Sunday , December 22 2024

24-oras drug ops ikinasa sa Bulacan 12 drug peddlers pinagdadampot

NASUKOL ng mga awtoridad ang 12 personalidad na sangkot sa ipinagbabawal na gamot sa serye ng anti-illegal drugs operations sa lalawigan ng Bulacan sa loob ng 24 oras hanggang Miyerkoles ng umaga, 10 Marso.

Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, inilatag ang serye ng anti-illegal drugs operations ng mga operatiba ng Drug Enforcement ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU), San Rafael MPS, Hagonoy MPS, Plaridel MPS, Malolos CPS, Meycauayan CPS, at San Jose del Monte (SJDM) CPS na nagresulta sa pagka­aresto ng 12 drug suspects.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Carlo Miguel Dayrit ng Brgy. Mabalas-balas, San Rafael; Maicah Ramos ng Brgy. Perez, Meycauayan; at Rogelio Benito ng Brgy. Sto. Cristo, Pulilan, pawang nakatala bilang drug personalities; Jheremy Pastrana ng Brgy. Lagundi, Plaridel; Christopher Mahinay, at Federico Enobay, kapuwa mga residente sa Brgy. Sto. Niño, Plaridel.

Kasama rin sa nadakip sina Edgardo Enriquez ng Brgy. Sta. Monica, Hagonoy; Erna Lagatoc ng Brgy. Bignay, Valenzuela; Joseph Alparo ng Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria; Ronnel Abaricio ng Brgy. Perez, Meycauayan; Reynaldo Fernando, ng Brgy. Mojon, Malolos; at Richard Intal ng Brgy. San Pedro, San Jose del Monte.

Nasamsam mula sa 12 suspek ang may kabuuang limang medium at 38 small sized heat-sealed sachet ng hinihinalang shabu, apat na sachet ng tuyong dahon ng marijuana, sari-saring drug paraphernalia, apat na cellphone, at buy bust money.

Dinala ang mga nakompiskang ebidensiya sa Bulacan Crime Laboratory para sa pag­susuri habang inihahanda ng mga kasong isasampa laban sa mga suspek.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *