Monday , December 23 2024

Bulacan tumanggap ng Sinovac 900 doses (Vaccine rollout nagsimula na)

MATAPOS ang maingat na pagpaplano at pagha­handa para sa pagdating ng mga bakuna, naglaan ang Department of Health Regional Office III (DOH-3) ng 900 doses ng CoVid-19 vaccines mula sa drugmaker na Sinovac Biotech sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 7 Marso.

Dinala ang mga bakuna sa itinalagang cold storage room sa lalawigan na matatagpuan sa Isidoro Torres Hall sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, na kinaroroonan din ang main vaccination site.

Kabilang sa panguna­hing tatanggap ng mga bakuna ang 833 health workers mula sa Bulacan Medical Center na 86% sa kanila ang pumayag magpabakuna habang ang mga natitirang bakuna ay ilalaan sa health workers mula sa mga district hospital, at mga empleyado ng Provincial Health Office – Public Health (PHO-PH) at iba pang frontliners.

Sinabi ni Gobernador Daniel Fernando, layunin ng pamahalaang panlala­wigan na makapagbakuna ng 300 indibidwal kada araw.

“Lahat ng mga plano na inihanda ng ating lalawigan ay unti-unti nang maisasakatuparan. Sa pagdating po ng mga CoVid-19 vaccine, inaasahang makapag­babakuna ng may kabu­uang 300 indibidawal bawat araw sa tulong ng mga itinalagang vaccination teams.

Magtiwala po tayo sa Maykapal at humingi ng gabay para sa kaligtasan at ikabubuti ng ating mga kalalawigan at ng buong bansa,” anang gobernador.

Nagsimula ang aktwal na pagbabakuna kahapon, Lunes, habang patuloy pa rin ang PHO-PH sa pagsasagawa ng information drive upang hikayatin ang mga Bula­kenyo, lalo ang health workers at frontliners, na mag­pabakuna.

Mayroon din mga itinalagang safety marshal at officers sa vaccination center upang gabayan ang mga indi­bidwal na magpapa­bakuna at mapanatili ang kaayusan sa lugar.

Kamakailan lamang, bumisita ang mga kinatawan ng Central Luzon Center for Health Development sa lalawi­gan upang suriin ang vaccination plan na inihanda ng pamaha­laang panlalawigan at pinuri ang kahandaan sa pagdating ng mga bakuna.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *