Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pangangarera ipinamana ni Jom kay Andre

ISASABIT at tuluyan na bang pagpapahingahin g aktor na nahaling din sa car racing na si Jomari Yllana ang kanyang uniporme at helmet?

Ayon sa aktor na isa na ring Konsehal sa Unang Distrito ng Parañaque ngayon, hindi pa rin nawawala ang drive niya sa pagkarera.

“Nami-miss ko na rin ang mga labang pinuntahan natin noon sa Korea. Na-witness mo what it was to have that adrenaline rush sa car racetracks. Dito pa lang, sa Clark at iba pang pinag-ensayuhan ko, nakita niyo paanong lumipad ang pintuan ng sinasakyan ko and walk away from it unscathed.

“This time, sabi ko, it’s about time na rin na i-fulfill na ng panganay kong si André ang mula pa lang pagka-bata eh, sinundan na rin niyang yapak, ang kumarera.”

Naalala namin ang mga birthday party ni André noong bata pa siya. Car racing ang tema. May Ferrari. May racetracks. At pati suot nito eh pangarera.

Kama­kailan, si Aiko Melendez pa ang proud na proud na nag-share ng pagkikita ng mag-ama para ipamana na kay André ang una niyang uniporme na ginamit sa mga sinalihang karera. Nauna na rito ang pagbibigay niyon kay André ng sasakyang pinalilipad niya sa karerahan.

Mukhang pagsasabayin din ni André gaya ng kanyang ama ang showbiz at karera. Isa na itong artist sa Viva. At kamakailan pinanood at sinubaybayan ni Jomari ang anak sa una nitong karera.

Into car racing pa rin naman si Jomari. At hindi nawawala ang pangarap niyang makapagpatayo ng isang school for car racing na eventually eh, ipamamahala niya rin kay André.

Madalas ngayon sa bayan niya sa Bicol si Jom kasama ang kanyang team sa sinimulang vlog. Na you guessed it right! Tungkol sa mga sasakyan, sa karera, at kasama na ang paglalakbay!

Yes, always by his side si Abby Viduya. Na saglit nagpahinga dahil sa inalis na gallstone niya.

Dalawang karera na ang sasalihan ni André. Sa entertainment. Sa karerahan. Sigurado, just like his Dad, he will do good, if not the best in both!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …