Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Husay ni Marian sa Oedipus Rex pinuri

PINURI si Marian Rivera ng isang independent critic para sa performance n’ya bilang Vice President Kreon sa adaptasyon ng Tanghalang Ateneo (TA) ng klasikong Greek tragedy na Oedipus Rex.

Ang nasabing critic ay si Fred Hawson na ang mga review ay lumalabas sa ABS—CBN News, Rappler, Facebook, at sa kanyang blog na Fred Said. Isa siyang manggagamot (Doctor of Medicine) na halos 10 taon na ring nagsusulat ng reviews.

Dahil nga doktor siya na may mga takdang oras na nasa mga ospital na pinaglilingkuran n’ya, hindi siya dumadalo sa media conferences at sa mga premiere night. Bumibili siya ng ticket para sa lahat ng iniri-review n’ya. Independent talaga siya.

Lahad ni Hawson tungkol kay Marian sa review n’ya: ”Movie star Marian Rivera-Dantes had an auspicious debut as theater actress as the staunchly-principled Kreon, with her calm demeanor and dignified indignance. 

“In her one riveting scene, Katski Flores as the blind journalist Maria Tiresias (sly name pun obvious) built up the tension which carried through the rest of the play.”

Sa original play ni Sophocles na ang titulo ay Oedipus Rex, ang baybay ng pangalan ng karakter ni Marian ay “Creon” at isa itong lalaki na kapatid ng pangunahing female character na si Jocasta (na sa adaptasyon ng TA ay ginawang “Yocasta” na ginagampanan ni Miren Alvarez-Fabregas).

Dahil nga adaptasyon ni Rolando Tinio ang ipinapalabas ng TA online, nilapatan ito ng titulo na pang-Generation Z (‘yan ang tamang tawag sa mga kabataan ngayon, hindi Millennials) at ang titulong iyon ay:  password: 03d1pu5_r3x. May streaming ito ng February 25 at ang huling araw ay sa February 27.

Ang mga tiket ay P150 for general viewing at P250 for general viewing plus a souvenir program (prices inclusive of transaction fee). Tickets can be purchased from Tanghalang Ateneo’s ticketing partner Ticket2Me.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …