Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PDEA agent niratrat sa Bulacan (Sangkot sa P11-B puslit na droga sa BoC)

ISANG dating pulis, may ranggong senior police officer 4 (SPO4) ang niratrat sa mukha ng limang suspek, habang kumakain sa isang kilalang restaurant na malapit sa city hall sa San Jose del Monte City, Bulacan, kahapon, Martes ng umaga, 23 Pebrero.

Kinilala ang biktimang si Alejandro Liwanag, alyas Gerry, kilalang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sinabing nanini­rahan sa Brgy. Gaya-Gaya, sa naturang lungsod.

Sa ulat, naghihintay ng hearing sa korte dakong 9:00 am kahapon ang biktima, kaugnay umano ng mga hawak na kaso, nang naisipan ng asawang si Vanessa Gerona Liwanag na kumain muna sa Kubo sa Bayan, isang restaurant malapit sa city hall.

Habang kumakain ang mag-asawa, biglang dumating ang mga suspek na nakasuot ng bonnet sakay ng motorsiklo, bumaba ang magkakaang­kas at pinaulanan ng bala ng kalibre .45 baril ang biktima.

Sa imbestigasyon, nabatid na 13 bala ng naturang baril ang tumamang lahat sa mukha ng biktima na tumapos sa kanyang buhay.

Ayon sa ilang nakasaksi sa krimen, may backup na puting van ang mga suspek na kasamang tumakas matapos ang pamamaril.

Patuloy ang imbesti­gasyon at pagtugis sa mga suspek ng mga kagawad ng SJDM City Police Station (CPS).

Noong 2018, kabilang si Alejandro sa mga pulis na iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) na umano’y sangkot sa pagpuslit ng P11-bilyong halaga shabu.

Ito ang pamosong shabu sa magnetic filter na nakalusot sa Bureau of Customs.

Kasama ni Liwanag sa asunto sina Senior Supt. Eduardo Acierto, Senior Supt. Leonardo Suan, Senior Supt. Lorenzo Basha, P/Insp. Lito Perote, at P/Insp. Conrado Caragdag.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …