Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

7 wanted persons, 3 ‘sugarol’ kalaboso

ARESTADO ang pito kataong pinaghahanap ng batas at tatlong sugarol sa magkakahiwalay na manhunt at anti-illegal gambling operations ng pulisya sa Bulacan hanggang kahapon, 21 Pebrero.

Batay sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang pitong wanted persons sa manhunt operations na inilatag ng tracker teams ng municipal at city police stations ng Hagonoy, Meycauayan, Plaridel, San Miguel, at San Jose Del Monte kasabay ang 301st MC RMFB3, at CIDG Southern Police District, NCR.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Sabino Timkang, Jr., residente sa Brgy. Perez, lungsod ng Meycauayan, may kasong Rape; Myra Diamante, residente sa Brgy. Sipat, bayan ng Plaridel, para sa kasong Estafa; John Reagan Banaag, residente sa Brgy. San Agustin, bayan ng Hagonoy, may kasong Theft; Noelito De Ocampo, residente sa Brgy. Kaypian, lungsod ng San Jose del Monte; Janis Marquez, residente sa Brgy. Caypombo, bayan ng Sta. Maria, sa paglabag sa BP 22 (Anti-Bouncing Check Law); Randy Evangelista, residente sa Brgy. Pambuan, bayan ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija, sa paglabag sa RA 9165 (Dangerous Drug Act); at Jocelyn Madera, residente sa North Olympus, lungsod ng Quezon, sa kasong Illegal Recruitment (Large Scale).

Nasa kustodiya na ang mga akusado ng kani-kanilang unit/police station para sa mga kaukulang disposisyon.

Samantala, arestado ang tatlong sugarol sa inilatag na anti-illegal gambling operation ng mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company at Bocaue MPS, na kinilalang sina Enrico Valentin at Perlita Valentin, kapwa residente sa Brgy. Bunlo, bayan ng Bocaue; at Roberto Dela Cruz, residente sa Brgy. Biñang, sa naturang bayan.

Naaktohan ang mga suspek na nagpapataya ng bookies at nakopiska sa kanila ang dalawang bundle ng booklets, pocket notebook, 10 ballpen, stapler, calculator, cellphone, at cash money na halagang P7,260.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …