Sunday , July 27 2025
arrest prison

Kawatang online seller timbog sa entrapment operation ng pulisya

ISANG lalaking hinihina­lang nagnanakaw sa kompanya ng fiber optic cable at copper wires na kanyang pinagtatrabahuan saka inilalako sa online selling, ang nadakip sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Biyernes, 29 Enero.

Sa ulat mula sa Sta. Maria Municipal Police Station (MPS), kinilala ang suspek na si John Erick Ochoa, residente ng Brgy. Guyong, sa naturang bayan.

Natimbog ang suspek sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng Santa Maria MPS sa Sitio Kayrumit II, sa naturang lugar.

Napag-alamang nag­tatrabaho ang suspek sa isang kompanya ng fiber optic cable at copper wires na kanyang pinagnana­kawan at saka ibinebenta sa online.

Matapos makarating ang reklamo sa tanggapan ng Sta. Maria MPS, nagsagawa ng entrapment operation laban sa suspek.

Kumagat ang suspek sa patibong ng mga awtoridad at nakipag­transaksiyon sa Sitio Kayrumit II kung saan siya nakorner.

Nakompiska sa suspek ang 45 kahon ng fiber optic cable at 17 rolyo ng copper wire na tinatayang nag­kakahalaga ng P171,774.77.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Online Betting Gambling

Bans don’t work: Like liquor, gambling won’t disappear even if prohibited

As calls to ban online gambling grow louder, longtime liquor retailers are reminding policymakers of …

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

TIWALA at suportado ng mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng …

Marilao Bulacan Police PNP

3 “tsongki” boys huli sa pot session; Damo, boga nakumpiska

ARESTADO ang tatlong indibidwal sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad sa Brgy. Loma De …

Arrest Shabu

Bossing ng mga tulak timbog sa Nueva Ecija

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng isang notoryus na tulak sa lalawigan ng Nueva Ecija nang madakip …

BingoPlus Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay

Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay?

ANG mahal mabuhay sa panahon ngayon, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *