Tuesday , May 13 2025

‘Mother tongue’ policy ng programang K to 12 muling suriin — Gatchalian

NAGHAIN si Senador Win Gatchalian ng isang resolusyon upang suriin ng Senado ang pag­papatupad ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) o “mother tongue” policy na mandato sa ilalim ng K to 12 Law (Republic Act 10533).

Sa inihaing Senate Resolution No. 610 ni Gatchalian, nais ng senador na masuri kung epektibo nga ba ang paggamit sa MTB-MLE sa sistema ng edukasyon sa Filipinas simula nang ipatupad ito noong 2012.

Ayon sa Senador, ilan sa mga nakitang hamon sa programa ang kaku­langan ng mga textbooks na nakasulat sa mother tongue, maging ang kakulangan sa pag­sasanay ng mga guro sa paggamit ng mother tongue sa pagtuturo.

Ayon sa 2018 Programme for International Student Assessment (PISA), 94% ng mga estudyanteng nakilahok dito na nasa edad 15 anyos ay gumagamit sa bahay ng lengguwaheng iba sa ginamit na medium of instruction sa mismong assessment. Pumapa­ngalawa ang Filipinas sa Lebanon na may 98%.

“Mas mabilis matuto ang mga kabataan sa wikang nauunawaan nila. Ang epekto nito ay makikita sa kanilang self-esteem upang lalo silang maengganyo sa pag-aaral,” ayon kay Gatchalian.

Sa pagpapatupad ng programang K to 12, ang katutubong wika o ang pangunahing wika ng mga mag-aaral ang gagamitin sa pagtuturo, mga teaching materials, at assessment mula Kindergarten hanggang sa unang tatlong taon ng edukasyon sa elemen­tarya.

Sa pamamagitan ng isang language bridge program, sisimulan ang paggamit ng Filipino at English mula Grade 4 hanggang Grade 6. Sa high school naman, ang dalawang wikang ito ang magiging pangunahing mga wika para sa pagtuturo.

“Bagama’t maganda ang layunin ng mother tongue policy sa ilalim ng programang K to 12, nakita natin na may mga hamon sa ating kaka­yahan at kahandaang ipatupad ito. Ang nakasalalay dito ay kalidad ng edukasyon na natatanggap ng ating mga mag-aaral, kaya ang kailangan dito ay isang masusing pag-aaral upang malaman natin kung paano ba natin matutugunan ang mga kakulangan ng naturang programa,” ayon sa Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *