Wednesday , December 25 2024

Duterte, Sotto hinimok ni Go na magkasundo sa bakuna

HINIMOK ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sina Pangu­long Rodrigo Duterte at Senate President Vicente “Tito” Sitto III na magkaisa para ganap na maipatupad ng pamahalaan ang road map sa bakuna kontra CoVid-19.

Ayon kay Go, kung patuloy ang pagka­karoon ng iringan sa pagitan ng dalawang sangay ng pamahalaan ay tiyak na magka­karoon ng epekto sa ating programa sa pagbabakuna laban sa CoVid-19.

“Alang-alang po sa kapakanan ng ating bayan at ng mahihirap nating kababayang Filipino, I am appealing to President Duterte and to Senate President Sotto na magkaisa na lang po tayo para makapag-umpisa na po ng pagbabakuna,”  ani Go.

Paliwanag ni Go, sumagot lang ang Pangulo kung ano po ang nabasa niya sa isang column at hindi rin niya naman kontrolado ang nasa isipan ng ating Pangulo.

Ngunit sa kabila nito ay ipinag-utos ni Pangulong Duterte kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr., bigyan ng detalye ng kasunduan si Sotto upang matanggal na ang pagdududa ukol sa transaksiyon ng pama­halana sa mga kompanya ng mga bakuna at para na rin sa transparency.

“Kausap ko po si Pangulo, at inatasan niya si Secretary Galvez na ipaalam po ang kasunduan kay Senate President Sotto, at nagkausap na rin po kami ni Senate President ukol dito, para magkaroon po ng transparency,” dagdag ni Go.

Bukod dito hiniling din ni Go kay Galvez na ipaliwanag at ipaintindi nang malinaw at klaro sa publiko ang proseso ng pagbabakuna at kung paano ito bibilhin ng pamahalaan nang sa ganoon ay mawala rin ang pagdududa ukol sa bakuna.

“Para wala nang duda. The more na hindi tayo magkasundo dito, the more maantala, the more matata­galan,”  pag-alala ni Go.

Iginiit ni Go, kawawa ang samba­yanang Filipino lalo ang mahihrap at frontliners na dapat unang maki­nabang sa bakuna.

“Kawawa ‘yung Filipino. Hindi tayo magkasundo dito sa taas, ‘yung nasa baba ‘yung nagiging apektado at kawawa. Nag-suggest nga ako kung puwede n’yo bang ihayag,” dagdag ni Go.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *