Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carla, nahirapang makabalik sa karakter ni Adele

EXCITED na ang viewers ng Kapuso drama series na Love of My Life na mapapanood ang all-new episodes nito simula Lunes (January 18) sa GMA Telebabad.

Maasa­saksihan sa fresh episodes ang muling pagbangon ng pamilya Gonzales matapos ang pagpanaw ni Stefano (Tom Rodriguez). Unti-unti nang magkakaayos ang mag-inang sina Isabella (Coney Reyes) at Nikolai (Mikael Daez) habang malalaman na rin ang kahihinatnan ng love triangle nina Nikolai, Adele (Carla Abellana) at Kelly (Rhian Ramos).

Samantala, ibinahagi naman nina Carla at Mikael ang ilan sa kanilang karanasan sa lock-in taping ng serye. Pag-amin ni Carla, nahirapan siyang bumalik sa kanyang character.

“Getting back into character took like a taping day or two but everything else naman flowed freely and good,” ani Carla.

Taliwas naman sa Kapuso actress, mabilis na nakabalik sa kanyang character si Mikael dahil lubos niyang na-enjoy itong gampanan.

Aniya, ”I got to know Nikolai very well at the very start and hindi ko siya nakalimutan because I enjoyed working with that character. I enjoyed working with the cast, with Carla, Rhian, Direk Don (Michael Perez), and the whole crew.”

Tutukan ang kapana-panabik na all-new episodes ng Love of My Life simula January 18, 8:50 p.m., sa GMA-7.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …