Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

13 sugarol timbog sa Bulacan

HINDI nakapalag ang 13 katao matapos dakpin ng pulisya nang maaktohanng nagsusugal sa ikinasang anti-illegal gambling operations ng mga awto­ridad sa lalawigan ng Bula­can, nitong Sabado, 9 Enero.

Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, naaresto ang 13 suspek sa pinagting na kampanya ng pulisya laban sa ilegal na sugal sa mga  bayan ng Pandi, Doña Remedios Trinidad, San Miguel, at lungsod ng Malolos.

Kinilala ang mga arestadong suspek na sina Bryan Fernando ng Brgy. Mapulang Lupa, Romeo Bacud, Jr., ng Brgy. Siling Bata, at Jesus Tapalla ng Brgy. Pinagkuartelan, pawang sa bayan ng Pandi na naaktohan habang nagtutupada sa Brgy. Pinagkuartelan; Allan Parungao, Gilbert Vicente, at Jeffrey Agojo, pawang mga residente sa Brgy. Kalawakan, sa bayan ng Doña Remedios Trinidad (DRT) na naaktohan sa naturang barangay na nagpupustahan sa billiard game; Paulo Perocho, arestado sa Brgy. Labne, bayan ng San Miguel, dahil sa pagsusugal sa video karera machine; Maylen Bacunawa, Analiza Bual, Joven Padilla, Christina Santos, Edralyn Escano, at Reynaldo Manahan, inaresto sa pagsusugal ng tong-its sa Brgy. Santor, sa lungsod ng Malolos.

Nakompiska mula sa mga suspek ang iba’t ibang illegal gambling paraphernalia at bet money na gagamiting ebidensiya sa korte. (M. BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …