Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

10 tulak, 4 wanted swak sa kalaboso

ARESTADO ang 10 hinihinalang tulak ang apat na pinaghahanap ng batas sa ikinasang buy bust at manhunt operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 10 Enero.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nagresulta sa pagkakadakip sa magkakahiwalay na buy bust operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Units ng Meycauayan CPS, San Rafael MPS, Paombong MPS, at San Jose Del Monte CPS, ng 10 tulak ng ilegal na droga.

Kinilala ang drug suspects na sina Mark Anthony Reynaldo, Steven Jake Lopez, Miguelito Bañez, Rommel Dela Cruz, pawang residente sa Brgy. Bangcal, sa lungsod ng Meycauayan; John Leo Valmeo ng Brgy. Pantubig, sa bayan ng San Rafael; Julius San Juan, Rizalina Villanueva, kapwa mula sa Brgy. Sumapang Bata, lungsod ng Malolos; Felix Calano, Ferdinand Halos, at Michael Pulyente, pawang mga taga-Brgy. Minuyan 4, lungsod ng San Jose del Monte.

Nakuha ng mga awtoridad ang may kabu­uang 26 plastic sachets ng hinihinalang shabu at buy bust money mula sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, nadakip ang apat kataong pinag­hahanap ng batas (wanted persons) sa magkakasunod na manhunt operations ng Santa Maria MPS, Meycauayan CPS katuwang ang San Jose Del Monte CPS, Crime Investigation and Detection Group (CIDG) NCR Field Unit at Urdaneta CPS, Pangasinan PPO.

Kinilala ang mga nadakip na sina Mary Jane Buraga, at Rowena Buraga ng Brgy. Caypombo, sa bayan ng Santa Maria, kapwa inaresto sa kasong Estafa; Renan Osorio ng Brgy. Pandayan, lungsod ng Meycauayan, arestado sa kasong Unjust Vexation; Sharmaine Nosis ng Brgy. Muzon, lungsod ng San Jose del Monte, na naaresto kaugnay sa kasong Illegal Recruitment na may kaugnayan sa RA 10175.

Kasalukuyang nasa kani-kanilang arresting unit/station ang mga arestadong wanted person bago dalhin sa korte kung saan sila may kinahaharap na kaso.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …