Sunday , November 17 2024

Charlie Dizon, halos iniisnab noong April Matienzo pa lang

BREAKOUT Star of 2020 ang bansag kay Charlie Dizon ngayon, dahil sa pagwawagi n’ya bilang Best Actress sa ongoing pa rin na 2020 Metro Manila Film Festival.

Nag-break out siya mula sa anim na taon na halos ‘di siya tumunog sa mga tenga ng madla sa pangalang April Matienzo na siyang gamit n’ya bilang aktres mula pa noong 2014.

Kuha ang April Matienzo sa buong pangalan n’yang April Rose Dizon Matienzo. At kaya naman may “April” sa pangalan n’ya ay dahil April 12 noong isinilang siya ng 1996.

Opo, noong 2014 ay nasa supporting cast siya ng isang episode ng ABS-CBN drama anthology na Ipaglaban Mo. Eighteen years old na siya nang gumanap siya sa episode na ‘yon ng Ipaglaban Mo.

Sa Wikipedia  namin nakuha ang impormasyon na ‘yan. At dahil isang episode lang ‘yon, at hindi big time na special anniversary presentation, walang detalye kung sino ba ang lead stars sa episode at kung sino ang nagdirehe.

Sa iMD website ay napag-alaman namin na ang papel ni April sa episode na ‘yon ay friend ni “Lexie”. ‘Di naman binanggit kung sino ang gumanap na Lexie.

Parang nasa kapalaran na ni April na maging Kapamilya star. Ayon sa ulat ng Wikipedia, lahat ng acting jobs n’ya sa TV at sa pelikula ay sa Kapamilya Network n’ya ginawa. At naganap ang lahat ng ‘yon na wala siyang publicity (dahil ‘di pa naman siya bahagi ng Star Magic).

Tumunog lang sa madla ang pangalang April Matienzo noong October 2017, nang may mga nam-bash sa kanya dahil pinaganap siyang childhood friend ni Enrique Gil sa pelikulang Seven Sundays, na sina Aga Muhlach at Ronaldo Valdez ang mga pangunahing bituin.

Si Enrique mismo ang nagtanggol sa kanya at nagpayo na huwag na lang  pansinin.

Sa isang ulat tungkol sa isang bloggers conference noong October 15 (2017), na-quote si Enrique tungkol sa mga panlalait ng netizens kay April: ”Sabi ko sa kanya, ‘Wag mo sila pansinin.’ Iba-bash ka man o hindi, at least ikaw ang pinag-uusapan.”

Pero marami rin namang netizens and pumuri kay April. Lumabas din siya sa pelikulang Loving In Tandem at Found Someone of My Own noong 2017.

Noong March 2018, ini-announce ng ABS-CBN na bahagi na si Charlie  ng Star Circle 2018, kaya noong lumabas ang Pandanggo sa Hukay bilang entry sa Cinemalaya 2019, “Charlie Dizon” na si April.

Si Iza Calzado ang bida sa Pandanggo sa Hukay na kasama n’ya si Charlie, at si Iza ang nagrekomenda kay Charlie kay Antoinette Jadaone na isali nila sa audition si April para sa title role ng Fan Girl. Posibleng noong mga huling buwan ng 2017 pa nagsimulang magsyuting ang Pandanggo at sa panahon na ‘yon ay nakapag-syuting na nang magkasama sina Iza at April na ang papel ay kerida ng isang gang leader na kinidnap si Iza na isang komadrona para paanakin ang misis n’ya sa hideout nila. “Tisay” ang pangalan ni April.

Actually, tanggap na si April para gumanap sa Fan Girl noong pinasali siya sa Star Circle. Ang Kapamilya Network executive na si Charo Santos ang nagbigay ng screen name na Charlie Dizon. Gusto ni Charo ang pangalang lalaki para sa isang artistang babae.

Wala pang nagtatanong kay Charo kung bakit “Charlie” ang naisip n’yang pangalan para kay April. Posibleng dahil malapit ang “Charlie” sa Charo.

Kamakailan ay kumalat na muntik nang maging miyembro ng Momoland K-pop girl band si April. Nakapag-training na nga siya mismo sa South Korea para maging miyembro. Pero kinuwestiyon sa South Korea kung bakit ang visa n’ya ay bilang worker pero bale in-training lang siya na parang estudyante. Nagpasya si April na bumalik na lang sa bansa. Nagbalik-eskuwela rin siya. Nakatapos naman siya ng college sa St. Benilde.

Noong 2018 at 2019 pa ginawa nina Charlie at Paulo Avelino ang Fan Girl. Noong 2018 ay gumanap na si April bilang Charlie Dizon na katrayanggulo nina Liza Soberano at Enrique sa seryeng Bagani.

Bago naipalabas ang Fan Girl, nakaganap na rin si Charlie sa 3 Sisters Before The Wedding na prequel ng Three Sisters and a Wedding.

Alam n’yo bang kundi naging virtual ang Fan Girl ay malamang na ‘di ito maapruban ng Movie and Television Review and Classification Board bilang MMFF entry dahil sa mararahas na mga eksena at sa katakot-takot na pagmumura ni Paulo?

Dahil pang-digital release ang MMFF 2020 entries, ‘di kinailangan ng mga ito ng MTRCB approval.

May kasabihang ‘pag malinaw na malinaw na sa iyo ang hangarin/pangarap mo, nagko-conspire ang lahat ng puwersa ng universe para matupad ito.

Alam n’yo rin bang kaya lang nagpa-audition ang ABS-CBN para sa Fan Girl ay dahil ‘di pinayagan ang isang aktres ng Kapuso Network na gumawa ng pelikula sa ABS-CBN (na may franchise pa noong gusto nang gawin ni Antoinette ang pelikula)? Ayaw nang ibulgar ng ABS-CBN ang pangalan ng GMA 7 actress na ‘yon na siyang unang napusuan na magbida sa Fan Girl.

Nag-conspire ang universe para matupad ang matahimik pero pursigidong pangarap ni April Rose Dizon Matienzo na maging sikat na artista kahit na parang hindi ito na-foretold by the stars.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *