Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasarian ni Derek, pinagdududahan

NAG-POST kamakailan si Derek Ramsay sa kanyang Instagram ng isang litrato n’yang seksing-sexy, machong-macho, walang shirt, at naka-short lang.

May kasama siyang isang guwapo at matikas ding lalaki na mukhang mas bata sa kanya. At nakahubad ding gaya n’ya.

Caption ni Derek sa larawan: “Love and live life! [four rock on emojis]”

Mahigit na sa 10,000 ang nag-like sa posts ni Derek na ‘yon, at nangunguna roon si Pops Fernandez, na kamakailan ay pinagbintangang dahilan umano ng pagbi-break nina Derek at Andrea Torres. 

Pero sa paglaon ay may netizen bashers na nag-comment sa posts ng aktor na sawa na sa babae si Derek kaya nanlalalaki na.

Kalmadong nag-reply ang aktor na “nephew po” ang lalaking kasama n’ya.

Nang may mga nag-comment pa uli na lover ni Derek ang kasama n’ya, inulit lang ni Derek ang sagot n’yang, “nephew” po.

Nagkaasawa na (ng babae), nagkaanak (na lalaki), at nagkaroon ng maraming girlfriend si Derek at bukod kay Andrea, kabilang doon sina Solenn Heussaff at Angelica Panganiban.

Ang reaksiyon nga pala ni Derek ay nag-post ng pictures n’ya na shirtless siya at pa-girl na may hinarot na lalaki at may caption na: “Ain’t over yet, I’m coming out!”

Actually, nakabibilib ang coolness ni Derek sa mga bashing sa kanya. Bago lumabas ‘yang pamba-bash na pinagdududahan ang gender n’ya, nagpahayag na siya sa isang Zoom interview sa radyo na naiinsulto siya sa nagaganap na kung kani-kaninong babae siya nali-link.

Mahabang pahayag n’ya: “May nagpa-picture sa akin, ‘yung girl na… she’s a fitness enthusiast, super sexy, oo. Humingi siya ng picture, umoo ako. Ngayon, girlfriend ko na raw,” bulalas ni Derek.

“Parang nakaiinsulto rin kasi, ‘di ba?

“Ako, very proud ako sa pamilya ko, ‘tapos ginaganoon nila. It reflects who my family is… kung paano nila ako pinalaki.

“For them to talk about me like that… alam mo… ano, artista tayo, it comes with the territory.

“Pero alam mo, tao rin kami. Masakit na kung ano-ano na lang ang pwedeng sabihin.”

Sa Zoom interview  sa kanya ni Morly Alino sa DZRH, ipinakilala ni Derek ang maganda niyang pamangkin. Anak daw ‘yun ng sister ng aktor na kasama niya sa bahay.

Baka mapagkamalan na naman kasing girlfriend niya ang magandang pamangkin. Pati si Pops ay pilit ding ini-link sa kanya.

Sabi niya, “Actually, nabuntis ko na nga ang buong Pilipinas, eh, parang ganoon na nga, eh. Makikita na lang siguro natin in nine months.

“At sana naman, ang mga basher, after nine months na makita nila na hindi totoo ‘yung mga sinabi nila, mag-sorry na lang sila, sana.”

Nakabibilib ang pananatiling disente ni Derek, na isang Filipino-British, sa gitna ng pamba-bash sa kanya. Ba’t ‘di na lang kaya sila magkabalikan ni Andrea?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …