Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

3 dedbol sa enkuwentro, 1 nakatakas

TATLO ang patay at isa ang nakatakas sa enkuwentro ng mga awtoridad laban sa isang gun-for-hire group sa North Caloocan, kamalawa ng hatinggabi.

Dead on the spot ang tatlong biktimang na hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan ng pagkakakilanlan na hinihinalang mga miyembro ng isang gun- for- hire group na nakabase sa Region 3, habang nakatakas naman ang driver na patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Batay sa ulat ni P/Major Ronald de Leon, hepe ng mobile section ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) dakong 1:45 am nang maganap ang insidente sa kabahaan ng Quirino Highway, Guadanoville Subdivision, Barangay 183, ng lungsod.

Isa umanong tip na nagsasabing daraan ang grupo ng mga suspek dahilan upang magsagawa ng checkpoint  ang PNP-HPG sa nasabing lugar.

Di kalaunan, namataan ng mga awtoridad ang isang sasakyang kahina-hinala umano ang plakang  XEL-583 dahilan upang itsek sa kanilang vehicle ID monitoring system at nang makompirma na karnap ang sasakyan, agad nila itong hinarang.

Hindi nagbigay ng kahit anong papeles OR/CR at sa halip ay agad na nagtangka umanong tumakas ang mga suspek, matapos ang habulan, doon na nagkaputukan.

Kaagad napatay ang isa sa loob ng sasakyan habang ang dalawa pa ay nakipaghabulan hanggang sa mapatay habang nakatakas ang driver.

Nabatid nag-o-operate ang grupo sa Region 3 at nagpunta ang mga suspek sa Quezon City kaya inaalam pa ng mga awtoridad ang pakay sa pagpunta sa Kamaynilaan.

Narekober mula sa mga suspek ang tatlong baril at pitong piraso ang bala. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …