Thursday , May 8 2025
arrest posas

Abusadong ina, tiklo sa pulisya (Anak ibinubugaw sa dating asawang dayuhan)

ARESTADO ang isang inang hinihinalang nagbubugaw sa sariling anak na dalagita sa dayuhan, sa isinagawang anti-crime drive ng Bulacan PNP sa lalawigan, nitong Sabado, 14 Nobyembre.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang suspek na si Marilyn Pedrosa, 42 anyos, residente sa Barangay Sta. Cruz 2, sa lungsod ng San Jose Del Monte, lalawigan ng Bulacan, at ina ng menor de edad na biktima.

Batay sa imbestigasyon, unang humingi ng pahintulot ang biktima sa kaniyang ina na lumabas ng kanilang bahay ngunit nagalit ang suspek.

Humantong sa pananakit ang galit ng suspek at pinaghahablot ang damit ng anak at pinaghahampas na nagresulta sa mga pasa sa leeg ng biktima.

Nagsumbong ang isang concerned citizen sa San Jose del Monte City Police Station (CPS) kaya agad nagkasa ang mga awtoridad ng rescue operation katuwang ang social worker na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.

Sa isang malalimang pagsisiyasat ng pulisya, nabulgar na kinukunan ng suspek ng malalaswang larawan at video ang kanyang anak sa hiling ng isang dayuhan kapalit ng pera.

Napag-alaman din na ang naturang dayuhan ay dating asawa ng suspek. (MICKA BAUTISTA)

 

About Micka Bautista

Check Also

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …

Abby Binay Pammy Zamora

Kaugnay ng sinabing vote buying sa campaign rally  
Binay, Zamora, inireklamo sa COMELEC

ISANG reklamo ang inihain sa Commission on Elections (COMELEC) laban kina Makati Mayor at tumatakbong …

Blind Item, Gay For Pay Money

Principal, faculty president nagkompirma ng payout para sa Marikina public school teachers

KINOMPIRMA ng isang principal at faculty president ang payout sa Marikina City public school teachers …

Marikina

Tao ni Quimbo, nagsampa ng kaso vs Teodoro

TAO at masugid na tagasuporta ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang nagsampa ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *