Monday , December 23 2024

16 law breakers timbog sa serye ng police ops (Sa Bulacan)

 

PINAGDADAMPOT ng mga awtoridad ang 16 kataong lumabag sa batas sa serye ng police operations laban sa krimen sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 3 Nobyembre.

 

Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, nagresulta ang manhunt operations na ikinasa ng tracker teams ng municipal/city police stations ng Angat, Marilao, San Jose Del Monte at Bulacan Highway Patrol Team (HPT) sa pagkakadakip ng anim na personalidad na wanted sa iba’t ibang krimen partikular ang theft; paglabag sa  Sec. 11, Article II ng RA 9165; paglabag sa Sec. 10 (a), Article VI ng R.A. 7610; Rape; at paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016.

 

Samantala, nagsagsawa ng buy bust operations ang Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Calumpit, Baliwag at Meycauayan MPS/CPS na ikinaaresto ng mga operatiba ang anim na drug suspects at nasamsam ang 16 plastic sachets ng shabu at buy bust money.

 

Sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng mga tauhan ng San Ildefonso MPS sa Barangay Pala-Pala, sa bayan ng San Ildefonso, natiklo ang isang suspek matapos mahuli sa akto na nagpapataya ng STL bookies.

 

Nabatid na ang suspek ay walang ID card, uniporme at iba pang dokumento na magpapatunay na siya ay lehitimo o Authorized Agent Cooperation (AAC) ng Small Town Lottery.

 

Nakompiska mula sa suspek ang mga gambling paraphernalia (STL Report Form), P314 cash bet money, bolpen at isang asul na sling bag.

 

Kabilang din sa mga nadakip ang isang suspek sa kasong Trespass to Dwelling at Illegal Possession of Firearms sa Barangay San Rafael 1, sa lungsod ng San Jose del Monte; samantalang nadakip ang dalawang iba pa sa mga kasong Acts of Lasciviousness kaugnay sa paglabag sa RA 7610 sa Barangay Sto. Cristo, sa bayan ng Pulilan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *