Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joed Serrano, malaki ang simpatya kay Sean de Guzman

Nilinaw naman ni Joed na dahil naipangako niya noong una kay Mico Pasamonte ang proyekto, hindi naman ito mawawala sa pelikula at isang matinding role rin ang ipagkakatiwala sa kanya ni Direk Joel.

 

Mahaba nga ang ikot ng istorya kung paanong hinanap ni Joed ang  anak ng macho dancer. Four years ago pa nga lang ay nagpa-audition na siya rito.

 

“Siguro nga, tamang timing din. At ang timing ngayon eh, sa panahon ng pandemya pa. Naniniwala ako na we have a perfect “anak” kay Sean dahil nakita namin ang pagiging pursigido at open niya sa mga ipagagawa sa kanya sa papel niya. Isang plus na ‘yung mahusay siyang sumayaw kaya hindi na nahirapan ang nag-choreograph ng isinayaw niya. May grace, sabi nga ang movements. Maganda ang mukha. May kaalaman na sa akting.”

 

At dahil ibang klasengang magmahal at mag-alaga si Joed sa kanyang artists, na napatunayan na niya sa mga pagkakataong walang naniniwala sa kanya sa mga proyektong pinapasok at ginagawa, alam niya na he will never go wrong uli sa pagkakataong ito.

 

“Alam ko na as a producer, kailangang isipin ang return of investment, ‘di ba? Ang kita. Sa panahong ito, sa pangyayaring mayrooon tayo, marami pa rin tayong platforms na maibabahagi ang proyekto. Nangyari na dati noong magkaroon tayo ng Experimental Cinema of the Philippines na ipinalabas ang mga for adults na movies. Proyekto nina Madam Imelda (Marcos) ‘yun. Maraming paraan. And we are looking forward to show this sa different festivals abroad.”

 

Hindi pa nga nagsi-sink in kay Sean ang dumating na oportunidad sa kanya. Lalo pa at isang blessing ang ipinagkaloob sa kanya ni Joed.

 

Magiging endorser si Sean ng Blackwater Grooming for Men.

 

Double Happiness ang ganap for Sean sa presscon na idinaos na hinawakan ni Jobert Sucaldito.

 

Dalawang kontrata. At dalawang tseke!

 

Meant to be nga!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …