Thursday , December 26 2024
arrest posas

‘Pulis-pulisan’ nasakote sa tinangay na SUV

NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang ‘bogus na pulis’ na tumangay ng isang Mitsubishi Mirage sa Makati City.

 

Kinilala ng pulisya ang suspek na isang James Fuentes, 29 anyos, naninirahan sa Purok Uno Napindan, Taguig City.

 

Sa ulat, noong 25 Setyrembre 2020, dakong 11:55 am nasakote ang suspek sa Mayapis St., matapos masangkot sa pahgtangay ng isang Mitsubishi Mirage  at nagpanggap na aktibong miyembro ng pulisya.

 

Ang madaliang pagkakadakip kay Fuentes ay dahil sa masusing imbestigasyon na isinagawa ng mga tauhan ng ahensiya sa pangunguna ni P/Cpt. Michael Villar, kasama sina P/Cpt. Rannie Jose Estilles, P/EMSgt. Joel Alcantara, P/SMSgt. Abdulwahid Dimanalao, P/SSgt. Eduardo Bautista, P/SSgt. Eduardson Manucum, at Pat. Lindon John  Baron.

 

Bago masakote, si Fuentes ay sinita ng mga tauhan ng HPG dahil walang plaka ang sinasakyang motorsiklong Kawasaki Rouser.

 

Nagulat ang mga awtoridad dahil ang kanilang sinita ay nakasuot ng HPG lower breeches na mayroong pantaas na MCRC rider shirt at may PNP-HPG logo, isang kalibre .45 baril na may anim na pirasong bala, may serial number 1460911, ngunit walang lisensiyang naipakita.

 

Matatandaang naunang humingi ng saklolo kay dating HPG Special Operations Division (SOD) P/Cpt. Edgar Regidor Miguel si Jedd Vincent Vansol matapos na mabigo si Fuentes na ibalik ang sasakyang Mitsubishi Mirage, may conduction sticker number B61800 na nakapalangan sa kanyang kapatid.

 

Bukod dito, nagbanta at nagpakilalang pulis saka pinaikot-ikot ni Fuentes si Vansol, bagay na kanyang ikinabahala kaya humingi ng saklolo sa HPG.

 

Noong 15 Marso 2020 ng hatinggabi, narekober ang sasakyan ng kapatid ni Vansol sa isang gasolinahan sa J.P. Rizal Ave., Guadalupe Viejo.

 

Matapos ito ay naberepika sa PNP PAIS na walang ‘James Fuentes y Duroy’ na aktibong miyembre ng PNP.

 

Dahil dito, sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 10591 o paglabag sa Comprehensive Laws on Firearms and Ammunitions, matapos mabatid na walang kaukulang papeles na nakapangalan sa suspek ang baril na narekober sa kanya ganoon din ang usurpation of authorithy dahil sa pagpapanggap bilang alagad ng batas. (NIÑO ACLAN)

 

About Niño Aclan

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *