Friday , May 9 2025

Kawani positibo sa CoVid-19 Bocaue court 14-araw sarado

PANSAMANTALANG isinara ang Municipal Trial Court sa bayan ng Bocaue, sa lalawigan ng Bulacan makaraang magpositibo ang isang empleyado sa CoVid-19.

 

Ayon sa abiso ng Supreme Court – Public Information Office, batay sa nilagdaang memorandum ni Acting Presiding Judge Myrna Lagrosa, simula kahapon, 14 Setyembre hanggang 25 Setyembre ay sarado muna ang korte.

 

Lahat ng court personnel ay pinapayohang mag-work from home muna sa mga nasabing petsa.

 

Matatandaang ipinangalan sa namayapang si Bocaue Ex-Mayor Joni Villanueva-Tugna ang kauna-unahang testing facility ng CoVid-19 sa Bulacan, ang Joni Villanueva Molecular Laboratory.

 

Sa ngayon, may kabuuang 1,412 ang bilang ng CoVid-19 cases sa Bulacan, 86 dito ang naitalang pumanaw. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Abby Binay Nancy Binay

Abby Binay ‘much better’ matalo sa Senado kaysa manalo si Nancy sa Makati

TILA ‘much better’ pa kay Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok …

ACT-CIS Partylist

ACT-CIS Partylist nakapaghatid ng mahigit P1.4-B serbisyo sa 300k plus Filipino sa isang taon

BILANG patunay ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi …

Erwin Tulfo

Sa pinakabagong SWS survey
ERWIN TULFO, CONSISTENT FRONTRUNNER SA SENADO

ILANG araw bago ang eleksiyon sa Lunes, 12 Mayo, patuloy na nangunguna sa karera sa …

050925 Hataw Frontpage

Habemus Papam

HATAW News Team HINIRANG na ang bagong Santo Papa ng Simbahang Katoliko. Kahapon, 8 Mayo …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *