Saturday , November 16 2024

Pekeng LPG tank nagkalat sa Laguna

BALEWALA at hindi iniinda ng mamimili ang ipinalabas na babala ng Department of Trade and Industry- Bureau of Philippine Standards (DTI-BPS) kaugnay ng panganib na puwedeng idulot ng paggamit ng pekeng liquefied petroleum gas (LPG) na nagkalat sa mga lalawigan partikular sa Laguna.

Sa ipinalabas na anunsiyo ng DTI-BPS noong nakalipas na taon, lumilitaw na patuloy na tinatangkilik ng publiko ang mga pekeng LPG tank tulad ng Bess Gaz  na sinasabing nagkalat sa mga lalawigan CALABARZON.

Sinasabing nagtataingang kawali ang kaukulang ahensiya ng pamahalaan sa patuloy na operasyon ng mga manufacturer ng mga pekeng LPG tank na may nakaambang panganib sa kabuhayan ng mamimili.

Base sa anunsiyo ng DTI-BPS, ang mga pekeng LPG tank ay walang markang Philippine Standard (PS) at Import Commodity Clearance (ICC) na kasalukuyang nagkalat sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Laguna. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *