Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jennylyn ‘di pinalampas, netizen na nambastos sa mga single mom

TALAGA palang aktibo na ngayon si Jennylyn Mercado sa pagpapahayag ng paninindigan n’ya sa mga isyu at sa kung ano pa man. Kamakailan, ay may sinagot siyang tweet ng kung-sino na parang nambabastos ng mga single mom na gaya n’ya.

May anak sila ng di n’ya nakatuluyang boyfriend na si Patrick Garcia. Twelve years old na ngayon ang anak nilang lalaki si Alex Jazz.

Nagdadalantao na ang aktres nang maghiwalay sila noong February 2008. Sa poder ni Jennylyn lumaki ang bata, si Patrick naman ay ikinasal kay Nikka Martinez noong 2015, at mayroon silang tatlong anak na babae.

Dalaga pa rin si Jennylyn hanggang ngayon sa edad 33. Pero ilang taon na rin naman ang relasyon n’ya sa aktor na si Dennis Trillo na may love child din sa isang dating beauty queen na nakapangasawa ng isang foreigner.

Napakadisente ng pagtatanggol ang ginawa ng Kapuso actress. Hindi n’ya kinastigo ang kung sino man na nag-tweet na ‘yon. Ipinahayag lang n’ya na ‘di dapat ikasira ng self-confidence, disposisyon, at perspektibo ng mga single mother ang tweet na ‘yon ng isang mal-edukado at makitid ang isip.

Unang pahayag ng aktres sa Twitter n’ya: “To all the single moms out there, Never let comments like this get to you. Having a kid early doesn’t make you less of a woman. In fact it’s the opposite.

 

“Being a single parent made us stronger than ever. Mahirap maging nanay at tatay ng ating (mga) anak pero kinakaya natin.

 

“Kaya always hold your head up high. We are more powerful than they think we are.”

Paalaala naman ng aktres sa mga taong mababa ang tingin sa single mothers: “And for those people na minamaliit pa rin kami hanggang ngayon, I feel so sorry for you.

 

“Lahat ng mga kritisismo sa pagkatao namin nasabi na samin, and yet here we are. Raising our kid(s) the best we can.

 

“Whatever you say, You can and will never bring a strong woman down.”

Actually, may sumagot na netizen na kampi naman sa mga single mother. Aniya, bakit ang mga babae lang ang pinupuna at pinag-uusapan at hindi itinutuon ang pansin sa mga lalaking naging sanhi sa pagdadalantao at pagsisilang ng mga babae na nagpapasyang sila ang magpalaki at magtaguyod sa batang dinala nila sa kanilang sinapupunan?

Hindi na pinansin ni Jennylyn ang comment na ‘yon. Kung sasagutin n’ya ‘yon, maraming damdamin at perspektibo ng mga aktor ang masasagasaan n’ya, kabilang na  sina Patrick at Dennis mismo.

‘Di nga ba’t ang maraming showbiz actor ang binatang ama at parang ‘di lubusang na-involve sa pagtataguyod ng mga anak nila na nanatili sa poder ng kanilang mga ina?

Kasabihan nga sa Ingles, Jennylyn doesn’t want to stir the hornet’s net. Ayaw n’yang bulabugin ang bahay ng putakti na maraming kakagatin ‘pag naglabasan.

Happily, marami rin namang mga binatang ama sa showbiz na pinupuri ang ina ng mga anak nila na ‘di nila napakasalan. Pinupuri dahil napalaki ng mga ina ang mga anak nila nang maayos.

Samantala, isa si Chynna Ortaleza, kapwa Kapuso star ni Jennylyn, sa mga unang nag-react sa paninindigan ng kaibigan n’ya.

Ani Chynna patukoy sa komento ng netizen: “Whoa! So meant yan to break down strong willed single parents? Go Jen!

 

“Hindi madali maging single parent at lalong hindi madali na maging maayos sa mga tao na…may hurt or misunderstanding before. E ikaw.. kinaya mo lahat yan. So APIR!”

 

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …