Thursday , December 26 2024

Malasakit Center hindi apektado ng PhilHealth

INILINAW ni Senate committee on health chairman, Senator Christopher “Bong” Go na hindi apektado ng  mga kontrobersiya sa PhilHealth ang serbisyo ng Malasakit Centers.

 

Sinabi ni Go, bagamat isa ang PhilHealth sa mga ahensiya na tumutulong sa Malasakit Center (DOH, DSWD, PhilHealth at PCSO), tuloy pa rin naman ang serbisyo nito sa publiko.

 

Ayon kay Go, dahil one stop ang Malasakit Center, nasa iisang tanggapan ang mga kinatawan ng apat na ahensiya para umalalay sa mga nangangailangang pasyente.

 

Ipinaliwanag ni Go, may package ang PhilHealth sa mga pasyente pero kapag nagkaroon ng komplikasyon ang operasyon o lampas sa kayang sagutin ng PhilHealth, maaaring sagutin ng ibang ahensiyang tumutulong tulad ng DSWD, DOH, at PCSO ang natitirang balanse.

 

Wala rin dapat ipag-alala aniya ang mga miyembro dahil kahit may kontrobersiya ay tuloy ang serbisyo ng ahensiya.

 

Ipinaalala ni Go na sa ngayon ay mayroon nang  80 Malasakit Centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *