Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Navotas

CoVid-19 sa Navotas halos napapatag na

IDINEKLARANG pababa na ang mga kaso ng coronavirus disease 2019 (CoVid-19) sa Navotas City,  idineklara ni Mayor Toby Tiangco sa isang post sa Facebook.

 

“Bumababa na po ang bilang ng mga nagpositibo sa ating lungsod. Sa ngayon, 14 ang bagong kompirmadong kaso at 50 ang gumaling,” paliwanag ni Tiangco sa kanyang paskil sa Facebook.

 

“Gayonman, hindi tayo dapat maging kampante.

Bagkus, patuloy tayong magdoble-ingat para mas bumaba pa ang bilang ng mga nahahawaan,” babala ng alkalde.

 

Naitala ng Navotas ang 4,295 kaso ng CoVid-19 na may 3,678 a narekober at 123 ang namatay hanggang noong Linggo ng gabi.

 

Samantala, inatasan ni Tiangco ang mga residente na samantalahin ang libreng programa ng lokal na pamahalaan ng Navotas.

 

“Kahit hindi po kayo close contact, sana po magpalista na kayo sa inyong barangay.

 

‘Pag mas marami tayong ma-test, mas mapapababa natin ang mga kaso,” ani Tiangco.

 

Nauna nang sinabi ni Tiangco na ang mga kaso ng CoVid-19 sa Navotas ay nabawasan matapos mailagay ang lungsod sa loob ng dalawang linggong lockdown.

 

Sinabi rin ng mga dalubhasa mula sa Unibersidad ng Pilipinas na ang pagpatag ng kurba ng pandemyang CoVid-19 sa bansa, ngunit nagbabala na maaaring baliktarin ang kalakaran.

 

Ang Filipinas ay ay may 217,396 kaso ng CoVid-19  hanggang nitong Linggo ng umaga. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …