Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ngipin ng Anti-Terrorism Law gamitin laban sa jolo bombing

HINIMOK ni Senator Christopher “Bong” Go ang lahat ng concerned agencies  na gamitin ang ngipin ng Anti-Terrorism Law para labanan ang terorismo lalo sa Jolo, Sulu na kamakailan ay biktima ng magkasunod na pagsabog.

 

Sinabi ni Go, kailangang  maipatupad nang maayos ang bagong batas upang matigil na ang terorismo at ang ugat nito.

 

Ayon kay Go, dapat mabigyan ng hustisya ang pagkamatay at pagkasugat ng ilang sundalo, ilang pulis at mga sibilyan sa mga pagsabog.

 

Sa isinagawang online concert para kay Pangulong  Rodrigo Duterte, hinimok ni Go ang lahat na magkaisa at umasang malalampasan ang krisis na kinakaharap ng bansa.

 

Inihayag ng senador, naniniwala siyang wish ng lahat maging  ng mga hindi kapanalig sa politika na makabalik sa normal days bago ang pandemyang CoVid-19 gaya ng pagyakap ng bawat isa sa mga kaibigan at mahal sa buhay.

 

Kaugnay nito, tiniyak ni Go, mula noon hanggang sa mga darating na panahon, buong  puso niyang ibubuhos ang kanyang  kakayahan para matulungan ang mga kababayan lalo ang mahihirap at vulnerable sector.

 

Nagpasalamat siya sa mga patuloy na sumusuporta at naniniwala sa kanila ni Pangulong  Duterte kasabay ng pagtiyak na wala silang ibang iniisip kundi ang makapaglingkod at mabigyan ng magandang buhay ang mga Filipino. (NIÑO ACLAN)

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …