Sunday , May 11 2025
DANIEL FERNANDO Bulacan

Bulacan Gov. Daniel Fernando trabaho tuloy, kahit nasa 14-araw mandatory isolation

POSITIBO man si Bulacan Gov. Daniel Fernando sa coronavirus disease (CoVid-19) nitong nakaraang Biyernes, 28 Agosto, magpapatuloy pa rin siya sa pagganap sa kaniyang tungkulin kahit online habang sumasailalim sa mandatory isolation na 14 araw.

Ayon sa gobernador, siya ay nananatiling asymptomatic kahit nakompirmang siya ay positibo sa CoVid-19.

Nagpasuri si Fernando matapos makasalamuha si Bulacan Board Member Ramil Capistrano, na isang CoVid-19 patient.

Unang nag-post si Capistrano ng kanyang kalagayan sa social media noong nakaraang linggo at sinabing siya ay isang asymptomatic.

Noong nakaraang Huwebes, 27 Agosto, dumalo si Capistrano sa virtual session ng Provincial Board na sinabi ng opisyal na siya ay nasa maayos na kalagayan habang naka-quarantine sa kaniyang bahay sa  bayan ng San Rafael.

Inatasan ni Fernando ang contact tracing team ng lalawigan upang hanapin ang mga tao na kaniyang nakausap at nakasalamuha bago siya sumailalim sa quarantine.

Dagdag ni Fernando, ang kanyang pagliban sa Kapitolyo ay hindi makasisira sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa Bulacan, dahil ipagpapatuloy niya ang pangangasiwa sa ‘kaniyang tahanan.’

Nagpaalala si Fernando sa kaniyang mga kababayan na laging mag-ingat sapagkat ang coronavirus ay walang pinipili, na kahit matataas na lider ng bansa o ng isang lalawigan, na tulad niya ay maaaring dapuan nito.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *