Wednesday , December 25 2024

‘Matigas’ na crackdown vs substandard rebars giit ng steel industry

HINILING ng Philippine Iron and Steel Institute (PISI) ang mahigpit na pag­subaybay at pagpataw ng karampatang parusa ang manufacturers at resellers ng substandard steel products.

Ito ay makaraang matuklasan ng mga awtoridad ang under­sized reinforced steel bars sa ilang hardware stores sa Nueva Ecija at Pampanga.

Nakapaloob sa dokumento ng Bureau of Product Standards (BPS)  na ang substandard rebars ay mula sa  Philippine Koktai Metal and Real Steel Corporation.

“It is crucial that we rein in the proliferation of inferior steel products in the country especially as the construction sector goes through a slump because of the coronavirus pandemic,” ani PISI president Roberto Cola.

Ayon kay Cola, ang ganitong uri ng gawaiin ang pumapatay sa in­dus­triya ng bakal dahil sa pagkalat ng substandard steel products.

“Some manufacturers and traders are taking advantage of quarantine restrictions and taking shortcuts that ultimately will harm the end-user,” giit ni  Cola.

Gayonman, tiniyak ng industriya ng bakal na magsasagawa sila ng ‘test buys’ sa mga lugar na may nagbebenta ng substandard rebars upang maproteksiyonan ang publiko at maipadala sa BPS ang mga sample nito.

Nabatid na noong Hunyo, sa lalawigan ng Pampanga at Nueva Ecija ginawa ang ‘test buys’ at ipinadala ng BPS sa government testing laboratory at Metals Industry Research and Development Center ang mga sample.

Lumitaw sa pag­susu­ri na bagsak sa standards on mass variation and deformation require­ment ng Philippine National Standards (PNS) ang steel rebars na sinasabing ginawa umano ng Philippine Kotain Metal and Real Steel Corporation.

Dahil dito, posibleng manganib ang buhay ng mga taong gumamit ng substandard na bakal kapag may dumating na kalamidad.

“Low mass variation is like asking someone to pay for 1 kilo of steel and only getting 900g,” diin Cola.

Kaya’t iginiit ni Cola, kailangang magsampa ng reklamo ang mga consumer laban sa mga manufacturer at retailer na nagbebenta ng sub­standard rebars upang masawata ang nasabing ilegal na gawain.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *