Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, parang batang natuwa sa regalo ni Ria

ANIMO’Y batang tuwang-tuwa si Sylvia Sanchez nang buksan ang sorpresang regalo sa kanya ng anak na si Ria Atayde. Paano’y puno ng picture ng Korean actor idol niya ang regalong iyon.

Para ngang kinilig pa ang aktres dahil hangang-hanga siya sa galing umarte ng mga artista sa It’s Okey To Not Be Okay.

Sa Facebook ibinahagi ni Sylvia ang kasiyahan sa regalong natanggap mula sa anak na naglalaman ng sikat na doll mula sa Korean drama na It’s Okey To Not Be Okay at may mga picture ng mga bida nitong sina Kim Soo-hyun, Seo Ye-ji, at Oh Jung-se.

Naglalaman din ang kahon ng noodles, soju, at bisquits.

Ani Sylvia, gustong-gusto niya ang K-drama na si Ria mismo ang nagsabing panoorin iyon dahil tiyak na magugustuhan niya. At tama naman dahil natuwa siya sa palabas.

Aniya sa caption ng video at pictures, “You really know how to make me happy, potpot️simple lang pero napakasaya ko thank you nak ️ alam mong minahal ko ang character ni Sang Tae Oh Jung Se at tama ka, ang ganda ng It’s ok to not be okay at ang gagaling nilang lahat️at ang galing ng crush mong si Kim Soo Hyun ️ this is one of the best KDramas I’ve ever seen — acting, directing and tackling mental health issues. Don’t miss out on this show, guys! Watch it if you haven’t yet ️

Sang Tae, Gang Tae and Ko Mon Yoon 

Love you my potpot  Ang happy lang ng afternoon ko 

Yeeeyyyy 🕺.”

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …