Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Missing sedan ng cager na ex ng TV host nabawi ng HPG-SOD

NAREKOBER ng mga tauhan ng Highway Patrol Group Special Operations Division (HPG-SOD) sa pamumuno ni P/Cpt. Edgar Regidor Miguel ang nawawalang sasakyan ng dating karelasyon ng TV host/actor na si Vice Ganda na si PBA cager Calvin Abueva, nitong nakaraang gabi ng 12 Agosto 2020.

Esklusibong napag-alaman ito ng pahayagang HATAW mula sa isang mapagkakatiwalaang source.

Sa impormasyong nakalap, may isang nagmagandang loob para tumawag kay Abueva at sinabing nakita niyang nakapaskil sa online site na ibinebenta ang kanyang Honda Civic sedan 2018 na may plakang NAP 5740, kulay pula.

Agad nakipag-ugnayan si Abueva sa mga pulis upang agad mabawi ang kanyang sasakyan.

Sa tulong ng grupo ni Miguel at mga kasamahang sina P/Cpt. Rannie Jose Estilles, P/EMSgt. Alcantara, P/CMSgt. Jesus Pascual, P/CMSgt/ Randy Cabatan, P/SMSgt. Ferdinand Cruz, P/SMSgt. Villanos at P/SSgt. Bautista, agad isinagawa ang operasyon hanggang nabawi ang sasakyan ni Abueva na nakaparada sa K-1st sa harap ng 164 Barangay Kamuning, Quezon City na nakatakip pa.

Dahil may dalang duplicate key ang mag-asawang Abueva, kanilang sinubok na pindutin, gayonman nagulat pa rin sila nang tumunog ang sasakyan.

At nang tanggalin ang takip ng sasakyan, nahantad ang nawawalang sasakyan ng mag-asawa.

Sa tuwa at kasiyahan ng mag-asawa ay kanila pang niyakap ang sasakyan.

Bago nila natunton ang sasakayan ay dumaan sila sa isang talyer kung saan naka-address ang facebook post at doon ay itinuro ng mekaniko ang sasakyan.

Ayon kay Abueva, pinasalo niya ang sasakyan dahil bibili sila ng bagong sasakyan ng kanyang asawa pero natuklasan nila na hindi na binabayaran ang obligasyon sa banko.

Ginawa ni Abueva ang lahat para maibalik sa kanya ang sasakyan at isuko sa banko ngunit bigong makipag-ugnayan ang kanyang katransaksiyon.

Kasunod nito ay nabalitaan nilang ibinenta sa iba gamit ang mga pekeng dokumento at pirma.

Sa ksalukuyan ay nakikipag-ugnayan na si Abueva sa banko.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …