Friday , August 8 2025

P10-B tourism funds inilipat sa prone infra projects

MAY P10 bilyong pondo na inilaan para sa industriya ng turismo upang tulungang makabangon sa gitna ng pandemyang CoVid-19 ngunit inilipat ito ng anti-ABS CBN congressmen sa pork barrel prone infrastructure projects.

Sa pahayag mismo ng Tourism industry, ang nasabing pondo ay nakalaan para sa mga apektadong small and medium business sa buong bansa bilang tulong sa panahon ng pandemya upang muling makapagbukas ng negosyo ngunit biglang naglaho dahil ini-divert sa infra projects ng mga kongresista.

Nabatid, halos 6 milyong trabahador sa industriya ng turismo ang matinding tinamaan ng pandemya na kuma­katawan sa 13 porsiyento ng ekonomiya ng bansa.

Maniobra umano ito sa pondo ng turismo ng grupo ng mga kongresistang bomoto para ipawalang-bisa ang franchise application ng ABS CBN na 11,000 direct at indirect employees ang mawawalan ng trabaho sa katapusan nitong Agosto.

Magugunitang pinan­gunahan nina Deputy Speaker LRay Villafuerte, Martin Romualdez, Mike Defensor at Jonathan Alvarado ang pagpasa sa ikalawang pagbasa ng Kamara sa inihaing House Bill 6953 o Bayanihan 2 Bill na pinondohan ng P162 bilyon para sa CoVid-19 pandemic.

Ngunit sa bersiyon na ipinasa ng Senado sa panukalang Bayanihan 2 ay P140 bilyon lamang ang inilaan na pondo kabilang ang P10 bilyon tulong para sa tourism businesses.

Nakatakdang mag­pulong sa susunod na Linggo ang Kongreso bilang bicameral com­mittee para pag-isahin ang kani-kanilang ber­siyon ngunit tiyak na aalma umano ang Tourism industry na umaasang tutulungan sila ni Senador Sonny Angara, may akda ng Senate counterpart bill.

Sinasabing nais ng grupo ni Villafuerte na kontrolin ang P10 bilyong pondo ng Tourism Infrastructure and  Enterprise Zone Authority (TIEZA), ang infrastructure arm ng Department of Tourism (DOT).

Sa ilalim ng batas, maaaring imungkahi ng mga politiko kung anong proyekto ang maipatayo at saang lugar ngunit tiyak na gugugol ng ilang taon para sa bidding process, ngunit hindi agad makakukuha ng tulong ang industriya ng turismo.

Kaya’t mahigpit ang pagtutol sa bersiyon ng Kamara dahil kinakai­langan na muling makabangon ang travel industry na dapat iprayoridad at hindi ang pagpapagawa ng mga kalsada at tulay.

Pinuri ng Tourism Congress of the Philippines (TCP) sa pangunguna ni TCP President Jose Clemente III ang bersiyon ng Senado na ang tulong ng gobyerno ang pangu­nahing kailangan ng tourism industry para maka-survive.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

KMPC Kawasaki Motors Atty John Bonifacio

Hiling sa DOLE
KAWASAKI MOTORS NAIS IDEKLARANG ILEGAL, WELGA NG UNYON
Opisyal, BOD ipinasisisbak 

NAGHAIN ang Kawasaki Motors Philippine Corporation (KMPC) ng counter manifestation sa National Conciliation Mediation Board …

National Electrification Administration NEA

90 electric coops mas mababa pa singil sa koryente kaysa Meralco — NEA

HATAW News Team NASA 90 electric cooperatives ang nakapagtatakda ng mas murang singil sa koryente …

Pulilan Bulacan PNP Police

Sa 5-min. emergency response ng PNP
MIYEMBRO NG AGAW-MOTORSIKLO TIKLO

ARESTADO ang isang lalaking hinihinalang kabilang sa grupo ng agaw-motorsiklo matapos na muling umatake sa …

Clark Pampanga

Scam hub sa Port of Clark sinalakay, 20 dayuhan timbog, 8 Pinoy nasagip

NASAGIP ang walong Filipino habang nadakip ang 20 Chinese nationals sa pinaniniwalaang scam hub sa …

Arrest Posas Handcuff

Binatilyo nanuntok, nanaksak ng estudyante, nasakote

DINAKIP ang 16-anyos binatilyo na sinabing nanuntok at nanaksak sa isang estudyante na galing sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *