Wednesday , December 25 2024

Mocha, DDS, isyung nakawan sa PhilHealth bigong ilihis

HINDI pinalusot ng netizens ang pilipit na paglilihis ng kilalang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng sinabing P15-bilyong nakawan sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong 2019 upang protektahan ang mga opisyal na malapit sa administrasyon.

Marami ang pumu­na sa halos sabay-sabay na ‘fake news’ sa social media ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Executive Director Mocha Uson, Banat By, Krizette Laureta Chu, at iba pang DDS bloggers ukol kay Senator Risa Hontiveros at sa PhilHealth.

Nitong nagdaang linggo, kapansin-pansin ang pagpapaulan ng mga post at video nina Mocha at ng iba pang DDS bloggers na idina­wit si Hontiveros sa mga nangyayaring kabulas­tugan ngayon sa PhilHealth.

“Kaso wa epek ang kampanya ng grupo, matapos na sila mismo ay kuyugin sa social media dahil sa kanilang obvious na peke at walang katu­turang mga akusasyon. Punto ng netizens, matagal nang wala si Hontiveros sa PhilHealth, dahil noong 2014-2015 pa naitalaga sa ahensiya. Nitong 2019 lang nang­yari ang mga napa­balitang bagong insidente ng nakawan sa PhilHealth,” anang netizen.

Sinupalpal din ang pagdawit ng DDS bloggers kay Hontiveros sa nakaraang isyu ng kontrobersiyal na bonuses sa PhilHealth, dahil 2013 ito nangyari, isang taon bago umupo ang senadora sa PhilHealth.

Tingin tuloy ng marami, obvious na inililihis nina Mocha at ng kanyang mga kasamahan ang isyu palayo sa mga opisyal na malapit sa Malacañang na ngayon ay nasa sentro ng kontro­bersiya sa PhilHealth, gaya ni PhilHealth President/CEO Ricardo Morales at ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.

Ilan sa mga komento ay: “Klaro ang sinabi ng PhilHealth whistleblower na si Morales and other Duterte appointees ang involved sa kaso. Bakit kaya tahimik sila kay Morales at ipinapasa ang isyu kay Senator Risa Hontiveros?”

“Taktika nila ‘yan para kay Senator Risa Hontiveros na wala namang pakialam sa PhilHealth ituon ang sisi. Mga walanghiya talaga sila.”

“Parang magician talaga ang mga DDS, ang lakas mag-misdirection para malimutan ang issue.”

“This is why Duterte’s minions cannot solve our problem today, For them, the solution to every problem is pro­paganda. Instead of giving solutions to the mess they created, their main task is to divert the blame to others. So sad!”

Dahil sa patuloy na pagkagalit ng publiko sa mga gawain ng liderato ng PhilHealth ngayon, ipinag-utos ni Pangu­long Duterte nitong nakaraang Sabado ang pagbuo ng isang government panel na mag-iimbestiga sa mga alegasyon ng kurop­siyon sa PhilHealth.

Sa kabila nito, tumanggi pa rin ang pangulo na sibakin si Morales bilang pinuno ng PhilHealth, kahit nangako na dati na agad aalisin sa puwesto ang mga opisyal na mahuhulihan kahit ng katiting (whiff) lang na senyales ng katiwalian.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *