Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine Lustre, idinidistansiya na ang sarili kay James Reid

MUKHANG totoo namang hiwalay na talaga si Nadine Lustre kay James Reid at hindi na sila nagli-live-in pa na nagawa nila ng apat na taon.

 

‘Yan ay ayon sa tunog ng pakikipag-usap sa media ng actress-singer noong virtual press conference para sa pagiging endorser n’ya ng contest na Century Tuna Superbods.

 

Sa pag-uusap na ‘yon ay mahihinuhang ihinihiwalay na ni Nadine talaga kay James ang buhay at career niya. Wala siyang nabanggit na pakikipagkomunikasyon kay James.

 

Sa isang bahay siya nakatira habang may kwarantina kasama ang isang kapatid na lalaki at alagang aso. Kinakaya n’ya ang kwarantina sa iba’t ibang paraan. At isa sa mga ‘yon ay ang paggamit ng mantra na tinatawag ding “pagtatalaga” (“affirmation” sa Ingles).

 

Isa sa mga mantra n’ya ay, “You are energy!” 

 

Actually, sa paggamit ng ganyang klaseng mantra, babanggitin mo muna  ang pangalan mo. Halimbawa: “Nadine Lustre, you are energy!” Pero pwedeng ideretso na lang sa pagsasabi nang payapa at may paniniwala na: “I am energy!” Pwedeng usalin ang pagtatalaga tuwing parang nagbabago ang pakiramdam o may gustong gawin na kailangan ang matinding determinasyon.

 

Kuwento ni Nadine: “Natutuhan ko ‘yan noong ECQ. Lahat tayo we have to be careful what we wish for. That’s the law of attraction. 

 

“Sobrang naging negative kasi ako because of everything happening. ‘Di ko rin made-deny kasi ang daming nangyari, nakakatakot! I was very emotional. Sabi ko the world is going to end. For a week ganoon ako, na-praning talaga ako! 

 

“So binago ko point of view and mindset ko. It’s true — we have to be careful with the energy and thoughts we put out. What we give out is what we get in return.”

 

Ginunita rin n’ya ang kanyang kabataan: “Growing up, I was insecure about a lot of things with my body, with myself. But eventually I learned how to accept everything. Kasi nag-iisa ka lang, wala ng ibang katulad mo.”

 

Ang isa pang magandang nangyari sa kanya ay: “With me, I learned to be best friends with myself. Kasi I had this thinking before where I would be hard on myself and if there are things I could not do or achieve ‘pag lagi kong idina-down ‘yung sarili ko (if I put myself down). And that’s one of the things I realized through the years, na that we should know how to be best friends with yourself kasi at the end of the day ‘yung sarili mo lang ang kakampi mo.”

 

Isa sa mga hobby na na-develop ni Nadine ay pagluluto. Nililibang din ni Nadine ang sarili sa pagku-compose ng mga kanta na gusto n’yang isama sa nakatakada n’yang gawing album.

 

Dahil sa sense of maturity n’ya ngayon, naging mas mapagpahayag siya ng damdamin pati na sa kasalukuyang political atmosphere sa bansa. Tinutulan n’ya ang pag-disapprove ng Congress sa franchise renewal ng ABS-CBN, at nanindigan siya para sa kapakanan ng 11,000 empleado ng network na unti-unting nawawalan ng trabaho sa network.

 

“Ang hirap talaga, kapit-kapit lang tayo. It’s disheartening to see companies closing and people I know nabawas ng kompanya nila. In anyway I want to help and encourage them to do something else at maghanap ng ibang pagkakakitaan,” deklara pa n’ya.

 

Natutuwa naman siya at nagpapasalamat na mabibigyan pa rin siya ng prebilehiyong makapagtrabaho bilang endorser. Nakatakada siyang magkaroon ng bagong TV show noong Marso pero bigla ngang nagka-pandemia at kwarantina. “Mahirap ang sitwasyon with what’s happening!” bulalas n’ya

 

Pero kahit na mahirap ang sitwasyon ngayon, ibinabalita ni Nadine na: “I’ve learned to count my blessings!”

 

Napakapositibong gawain ang pagibilang ng mga biyaya at basbas sa atin.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …