Sunday , December 22 2024

Bela nanindigang ‘di maka-Duterte; Direk Joyce, iniwan sa bundok

MABUTI naman at maraming showbiz idols ang nililinaw sa madla ang paninindigan nilang politikal sa panahong ito ng krisis ‘di lang sa bansa kundi sa buong mundo dahil sa pandemya.

Pwedeng magsilbing gabay sa madla ang political stand ng showbiz celebrities na malamang ay mas kilala nila kaysa mga politiko. Gabay sa pagkakaroon nila ng matatag at impormadong paninindigan.

Kaugnay nito, nilinaw ni Bela Padilla na hindi siya maka-Duterte at noong sumama siya sa team ni Direk Joyce Bernal papuntang Sagada, ‘di n’ya alam na kabilang sa sadya ng director doon ay kumuha ng video footages para sa State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte para sa July 27.

Ayon sa Instagram post ng aktres kamakailan, ang alam lang n’ya sa pagsama roon ay magpa-participate siya sa paggawa ng video para sa Liter of Light project ni Illac Diaz, isang arkitekto na bantog din bilang environmentalist. Kasama rin si Illac sa team, pati si Piolo Pascual na nauna nang magpahayag na ‘di bilang pagsuporta sa Duterte administration ang dahilan ng pagsama niya.

Ayon sa actor, sumama lang siya bilang kaibigan nina Direk Joyce at Illac. Binigyang-diin din n’yang dahil hindi siya mahilig sa politika, ang sinusuportahan n’ya ay ang kapakanan ng bansa at hindi ang kapakanan ng isang politiko.

Samantala, nilinaw din ni Bela na noong mapag-alaman n’yang kabilang sa sadya ni Direk Joyce ay magtrabaho para sa SONA ni Pres. Duterte, nagdesisyon siyang bumalik sa Metro Manila kahit na mag-isa na lang siya.

Nilinaw n’yang noong bumaba siya pabalik sa syudad ay tapos nang kunan ang partisipayon n’ya sa project ni Illac.

Dahil nauna nang bumalik sa syudad si Bela kaya ‘di na siya nakasama ng team ni Direk Joyce sa Banaue, matapos silang ‘di payagan ng mayor ng Sagada na pumasok sa nasabing bayan bilang bahagi ng anti-Covid 19 campaign nito.

Pero ‘di rin pinapasok ang grupo nina Direk Joyce at Piolo sa Banaue dahil pa rin sa anti-Covid campaign, kaya’t napilitan silang pumunta sa Baguio City para magpalipas ng gabi. Hindi binanggit ni Piolo sa statement n’ya tungkol sa pagsama n’ya kay Direk Joyce kung sumama pa rin si Illac sa Banaue at Baguio.

Kahanga-hanga ang paninindigan ni Bela na ‘di siya maka-Duterte gayong may isang Padilla na batid ng lahat na pro-Duterte: si Robin Padilla na hinahayaan si Bela na gamitin ang “Padilla” bilang showbiz family name nito.

Walang dugong Padilla si Bela dahil ang kamag-anak n’ya ay ang ina ni Robin na si Eva Carino. 

Kahanga-hanga rin si Bela sa pagbibigay-diin n’yang ‘di siya maka-Duterte kahit na walang balitang nasangkot siya sa mga kampanyang tumututol sa mga kaganapan sa bansa na identified sa Duterte administration, halimbawa ay ang Anti-Terror Law at ang ‘di-pagri-renew ng ABS-CBN broadcast franchise.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *