Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

Mag-ama niratrat (Pinasok sa bahay)

PATAY ang mag-ama matapos pasukin sa loob ng kanilang bahay at pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek na hinahanap ang manugang ng matandang biktima sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Dakong 11:00 pm, natutulog ang biktimang si Juanito Labarigo, 65 anyos, at ang 26-anyos anak na si Jericho sa loob ng kanilang bahay sa Jasmin St., Bicol Area Libis, Barangay 175 Camarin nang sapilitang pumasok sa loob ang mga suspek at tinatanong kung nasaan si  “Baet.”

 

Isa sa mga suspek ang kumaladkad kay Jericho palabas ng kanyang kuwarto dahilan upang mamagitan ang kanyang ina na si Ligaya, 53 anyos, at sinabi sa gunman na wala sa kanilang bahay ang kanyang manugang na hinahanap nila saka hiniling na palayain ang kanyang anak.

 

Gayonman, hindi pinakinggan ang pakiusap ni Ligaya at isa sa mga suspek ang bumaril nang paulit-ulit sa katawan ni Jericho hanggang mamatay saka ibinaling ng suspek ang kanyang baril kay Juanito na nasa isa pang kuwarto.

 

Sinubukang tumakas ni Juanito ngunit pinagbabaril din ng mga suspek sa harap ng limang bata na sa kabutihang palad ay hindi nasaktan bago mabilis na nagsitakas patungo sa hindi matukoy na direksiyon.

 

Inamin ni Ligaya sa pulisya na sangkot sa ilegal na droga si ‘Baet’ at hinala nila na iyon ang dahilan kung bakit siya hinahanap ng mga suspek.

 

Patuloy ang follow-up investigation ng pulisya sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek. (ROMMEL SALES)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …