Wednesday , July 30 2025

Hatid Tulong tuloy, Balik Probinsiya suspendido muna

IGINIIT ni Senator Christopher “Bong” Go ang kaibahan ng  Hatid Tulong at Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa o BP2 program ng  gobyerno.

 

Ipinaliwanag ni Go, sa ilalim ng  BP2 program na ang EO ay pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte, binubuo ito ng  council na may 17 ahensiya ng gobyerno na mayroong short-term at long term na.

 

Sa kasalukuyan ay suspendido ang BP2 dahil inatasan ni Pangulong  Duterte na iuwi muna ang mga nabinbin na overseas Filipino workers (OFWs) at iba pang locally stranded individuals (LSIs).

 

Kaugnay nito, inilinaw ni Go na itutuloy ang BP2 program kapag handa na ang LGUs na tanggapin ang mga benepisaryo.

 

Samantala, pinaalalahanan ni Go ang IATF na tutukan ang mga hindi awtorisadong biyahe na hindi sumusunod sa health protocols upang maiwasan  ang pagkakahawa-hawa ng COVID-19.

 

Dagdag ni Go, patuloy ang pagtulong  ng pamahalaan sa mga uuwing OFWs. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Raymond Adrian Salceda Bongbong Marcos

Rep. Salceda pinapugayan si PBBM sa pagtutok sa ‘Food Security’ at ‘Coco Levy’ sa SONA 2025

PINAPUGAYAN ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda si Pangulong Bongbong Marcos sa pagtutok niya …

DigiPlus BingoPlus Foundation DSWD

DigiPlus, BingoPlus Foundation deepen commitment to crisis relief, supports DSWD’s new satellite center

DigiPlus Interactive Corp., through its social development arm BingoPlus Foundation, has once again extended support …

Chel Diokno BBM Bongbong Marcos

Review ng flood control hindi sapat ‘corruption control’ kailangan – solon

ni GERRY BALDO HABANG pinapalakpakan ng mga kongresista ang banta ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

Martin Romualdez Salvador Pleyto

House Speaker Martin Romualdez nanumpa kay Bulacan Rep. Salvador Pleyto

LIHIS sa tradisyon ng Kamara de Representantes na pinanunumpa ang bagong halal na House Speaker …

San Miguel Bulacan Police PNP

Astig na senior citizen nanindak sa barangay, tiklo sa boga at bala

INARESTO ng mga awtoridad ang isang senior citizen matapos ireklamo ng pananakot at pagpapaputok ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *