Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ATC ni Lacson idinepensang ‘pinakamabait’

HABANG kinatatakutan ng marami ang anti-terrorism bill, sinabi ni Senador Panfilo Lacson, ito ay maituturing na isa sa ‘pinakamabait’ na batas laban sa terorismo sa oras na ito’y maisabatas.

 

Sa rami ng safeguards na nakapaloob sa panukala laban sa pag-abuso ng mga awtoridad, naniniwala si Senator Ping na grantisado ito.

 

Ayon kay Lacson, kabilang sa mga pangunahing proteksiyon laban sa pang-aabuso ang probisyong oobligahin ang nakadakip sa pinagsususpetsahang terorista na ireport sa pinakamalapit na korte, Anti-Terrorism Council, at Commission on Human Rights (CHR).

 

Sakaling lagdaan, ito umano ang bukod tanging batas na kailangang i-report sa CHR ang inarestong pinaghihinalaang kriminal.

 

Kabilang sa safeguards ang 10-taong kulong  at habambuhay na diskalipikasyon sa anomang posisyon sa gobyerno ng law enforcer na nagkamali sa pag-aresto ng pinaghihinalaang terorista.

 

Aniya, ‘pag ‘di natagpuan ang arresting officer, ang superior nito ang mananagot.

 

Binigyag diin ni Lacson na mayroong due process o daraan naman sa korte ang pagtukoy kung ang tao o grupo ay terorista at ang korte rin ang mag-uutos kung darakpin ang suspect, taliwas sa kumakalat na maling impormasyon na ang lilikhaing ATC ang tutukoy sa mga itinuturing na terorista.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …