SUPORTADO ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagpapatupad ng tradisyonal na sistema sa pagtuturo sa nakatakdang pagbabalik-eskuwela sa 24 Agosto 2020.
Ilan sa tradisyonal na nakikita ng senador, ang pagbabalik sa paggamit ng radyo at telebisyon sa pag-aaral ng mga bata.
Aminado si Gatchalian na hindi lahat o 40 porsiyento ng ating mga mag- aaral ay walang mga modernong teknolohiya katulad ng internet at laptop.
Iminungkahi ni Gatchalian ang pagkakaron ng klaseng 2 o 3 araw kada linggo upang makaiwas sa pandemya.
Iginiit ni Gatchalian, maaari rin magpokus sa mga subject na English, Math, Science at Reading.
Ngunit aminado ang senador na kakailanganing magdagdag ng budget lalo na’t hindi ito nakapaloob sa 2020 budget ng DepEd dahil hindi ito inaasahan. (NIÑO ACLAN)