IGINIIT ni Senate President Vicente Sotto III na kailangang amyendahan ang batas upang tuluyang mapahintulutang sa Setyembre ang simula ng pasukan mula sa orihinal nitong Hunyo.
Ayon kay Sotto sakaling hindi maamyendahan ang batas at tiyak na malalabag ito kung itutuloy ang balak na Setyembre.
Aminado si Sotto na iniisip ng pamahalaan ang kaligtasan ng bawat mag-aaral laban sa virus kung bakit naisip na ilipat ang buwan ng pasukan ngunit kailangan maamyendahan ang batas.
Nagpahayag si Sotto na suportado ang naturang panukala kaya ito ay isa sa prayoridad nila sa pagbabalik sa sesyon. (NIÑO ACLAN)