BUKOD sa pagliligtas sa pagkakaroon ng Covid-19, marami pang ibang maidudulot na kabutihan ang ngayon ay sapilitan nating pinagdaraanan na extended community quarantine.
Para kay Ruffa Gutierrez, ang isa sa mga kabutihang iyon ay ang pagsisimulang matutong magluto ng iba’t ibang klaseng ulam.
Ang unang matagumpay n’yang nailuto ay ang binansagan n’yang Ruffa’s Lemony Chicken Garlic. At kaya ganoon ang itinawag n’ya sa ulam na iyon ay dahil mga hita ‘yon ng manok na pinaligiran ng sliced lemon at mga bawang.
Hindi naman ang buong proseso ng paghahanda ng ulam na ‘yon ang ipinakita n’ya sa kanyang Instagram na @iloveruffag kundi ‘yung mga litrato at video ng before and after maluto ang ulam. Actually, grilled chicken leg with lemon and garlic ang common name niyong unang luto n’ya. Kung gusto n’yong magluto rin nito, pwede n’yong i-Google ang recipe sa Internet.
Sa Instagram ng bituin ng Love Thy Wife (ng Kapamilya Network), ang ipinakita ni Ruffa bago n’ya isalang sa grill ay litrato ng isang tray ng 10 piraso ng hita ng manok na napaliligiran ng sliced lemon at maraming malalaking butil ng bawang. Ipinakita rin n’ya ang hitsura ng mga chicken leg matapos mai-grill ang mga iyon.
Ang unang caption n’ya sa kanyang series of pictures and video ay: “Three months into 2020 and I’m in the kitchen learning how to cook.
I’ve never had the time before but I am grateful to learn a new skill now. 🥙 This is it…Wish me luck guys! 🏻 I hope I don’t burn the kitchen or poison anyone. LOL.”
Siyempre pa, kabilang sa mga nakatikim ng unang luto n’ya ay ang mga anak n’yang sina Lorin at Venice.
Bulalas pa ng aktres sa caption n’ya: “I made my girls try it and thank God they approve! Ubos except for half a leg which Simba & Nala shared.” Sina Simba at Nala ay ang pet dogs ng pamilya.
Kongklusyon ni Ruffa: “Feeling grateful that I’m able to learn new skills at home.”
Actually, may iba pang mga inihaw na ulam si Ruffa na ipinakita n’ya sa magkakasunod na Instagram posts. Nakapag-grill na rin siya ng beef at malalaking hipon, pati na sliced vegetables na kasabay isini-serve ng beef and shrimps.
Mukhang pwedeng mag-You Tube vlog si Ruffa ng pagluluto n’ya. Sa ngayon, wala pa siyang binabanggit tungkol doon.
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas