Sunday , November 17 2024

Angel, may ‘plastic’ shirt na isinusuot panlaban sa Covid-19

MAREMEDYONG tao pala talaga si Angel Locsin.

Dahil ayaw n’yang mag-fundraising para makatulong sa mga apektado ng Covid-19, ang naisip n’yang gawing project ay magtayo ng sleeping tents sa compound mismo ng mga ospital, o sa isang bakanteng lugar na malapit sa ospital, para matulugan ang frontliners na ‘di na nakauuwi ng bahay.

Ang hiniling lang n’ya sa madla ay mag-donate ng folding beds na mahihigaan ng mga doktor, nurse, at iba pang hospital staff. At mukhang marami namang tumugon sa panawagan n’ya dahil kamakailan ay nagsimula na siyang mag-post sa Instagram n’ya ng mga litrato ng isang tent sleeping facility na naipatayo n’ya sa compound ng Taguig Medical Center sa Taguig City. At air-conditioned ang bawat tent na panlimang tao lang para may safe social distance. Hiwalay, siyempre pa, ang tent ng mga babae at lalaki.

Isang araw na naroon ang aktres, may mga nakapunang sa ibabaw ng T-shirt na suot n’ya ay may parang blouse na gawa sa itim na plastik. Nang tanungin siya tungkol sa “blouse” na ‘yon, ipinagtapat n’yang trash bag ‘yon na ginupit sa ilang lugar para maisuot n’yang parang blouse.

Para ipakitang komportable naman siya na suot ang plastic blouse, nag-astang modelo pa siya na lumakad-lakad at umikot-ikot (at ang tawag ng mga bading ng showbiz du’n ay “rumarampa.” May nag-post sa Instagram ng video na rumarampa siya.

Tiyak na kaya naisip ni Angel na patungan ng “blouse” na trashbag ang T-shirt n’ya ay dahil napag-alaman n’yang kumakapit din sa tela ang corona virus. May health websites na nga na dapat tanggalin agad pag-uwi ng bahay ang damit na ginamit sa labas ng bahay at palabahan na agad o ilagay sa isang lalagyan na nakasara para ‘di mahawakan ng iba.

Kung matagal sa labas ng bahay ang isang tao at maraming lugar na pinuntahan na ‘di naman regular na nadi-disinfect, ipinapayong pagkaraan ng ilang oras ay magpalit ng pang-itaas man lang.

Kaya nagpapatong na lang ng plastic na blouse si Angel ay para remedyuhan ang pagpapalit ng T-shirt maya’t maya.

Actually, kahit na ang plastic blouse na ‘yon ay kailangan din n’yang palitan pagkalipas ng ilang oras. Matindi rin kasi ang kapit ng corona virus sa plastic (pero pinakamatindi sa mga bagay na mas solid, gaya ng metal, ceramics, porcelain, at kahoy).

Siguradong alam ni Angel kung paano n’ya idi-dispose safely ang ginamit na n’yang plastic blouse.

Samantala, kabilang ang mga kapwa n’ya artistang sina Anne Curtis (kahit nasa Australia, dahil doon nanganak), Angelica Panganiban, Bea Alonzo, Paulo Avelino, Vice Ganda, Ryza Cenon, at Lorna Tolentino sa mga nag-donate ng folding beds. 

Parang mga sariling pera ni Angel at ng would-be husband n’yang si Neil Arce ang ginamit na pangrenta sa mga air-conditioned tent na nilalagyan na rin nila ng food supplies. Gayunman, may ilang kompanyang katuwang nila sa proyektong binansagan nilang “Heal the World.”

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *