Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Belo, negatibo sa Covid-19; Isasara muna ang mga klinika niya

NAGPA-TEST na si Dr. Vicki Belo para sa Corona Virus at nagnegatibo siya. ‘Yan ay ayon sa Instagram post n’ya ilang araw ang nakalilipas.

Nagpasya siyang magpa-test dahil sa mga parunggit sa kanya sa social media networks na bakit ‘di siya nagpapa-test gayung galing siya sa Milan, Italy ilang linggo bago pumutok ang balitang marami nang naospital dahil positibo na sila sa mabagsik na virus.

Ang katwiran n’ya noong una sa ‘di n’ya pagpapa-test ay mga ilang linggo na siyang nakabalik mula sa Milan (na nanood siya ng mga pagtatanghal noong Fashion Week doon) at wala naman siyang dinaramdam.

“I have zero symptoms of anything. I feel so healthy and amazing!”  bulalas n’ya sa Instagram.

Pero nagpa-test na nga siya. At ang dahilan n’ya ay: ”You have to remember that I have a little daughter. Scarlet is only five. I have a daughter, Cristalle, who’s pregnant. I would never do anything to endanger their lives.”

Heto naman ang kalagayan n’ya ngayon: ”So right now I feel really healthy. No cough, no fever, no nothing. But thank you for praying for me, I really appreciate your concern.”

Gaano pa man siya kalusog, pansamantala pa rin n’yang isasara muna ang mga klinikang pampaganda, ang Belo Medical Group.

Sa pahayag n’ya ay mula March 14 hanggang March 22 lang isasara ang mga klinika n’ya, pero noong panahong ‘yon ay hindi pa inilulunsad ang total lock down campaign ng gobyerno para sa mas matinding paglaban sa paglaganap ng corona virus. Maaaring i-extend n’ya ang pagsasara ng mga klinika dahil halos laging magkalapit na pisikal ang clinic staff at ang mga costumer nila sa iba’t ibang proseso ng pagpapakinis ng kutis, pagpapapayat, pagpapabago ng hitsura.

Ineengganyo n’ya ang lahat na makiisa sa kampanya ng pamahalaan laban sa corona virus. Pahayag n’ya: ”It is our social responsibility to contribute to the control and eradication of the COVID-19 pandemic. It is our mission to help people feel better about themselves. This moment presents to us an opportunity to show who we are and what we’re about.”

Mabuhay ang doktora ng pagpapaganda!

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …