Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

4 tiklo sa shabu 2 pa huli sa aktong bumabatak

NALAMBAT ng mga awtoridad ang apat na drug peddlers at pushers samantala nasakote ang dalawang drug users sa mga ikinasang illegal drug operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 16 Marso.

Sa magkahiwalay na buy bust operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Units ng San Jose del Monte City Police Station (CPS) at Hagonoy Municipal Police Station (MPS), arestado ang mga suspek na kinilalang sina Mac Jomel Mariano, at Elmer Clemente, alyas Emeng matapos bentahan ng ilegal na droga ang police poseur buyer.

Kasunod nito, nadakma ang mga suspek na sina Ginalyn Puniado, at Mikee Parreño, nang mahulihan ng mga sachet ng shabu.

Samantala, hindi nakapalag sina Ardwin Suarez at Sherwin Lucas nang arestohin ng mga police operatives matapos mahuli sa aktong bumabatak ng shabu sa isang pot session.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 33 sachets ng shabu, 2 sachets ng marijuana leaves, at 5 pots ng marijuana.

Dinala ang mga nakom­piskang ebidensiya sa Bulacan Crime Laboratory upang suriin samantala inihahanda na ang kasong kriminal laban sa mga suspek.

 (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *