Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

14 COVID-19 kompirmado sa Makati — Mayor Abby

KINOMPIRMA ni Mayor Abby Binay na mayroong 14 positibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ngunit tumanggi ang alkalde na tukuyin isa-isa ang mga pasyente gayon­din kung saang lugar sa Makati sa pangambang mag-panic ang kanilang constituents.

Ayon kay Binay, sa kasalukuyan ay kanilang imino-monitor at gina­gawa ang lahat ng paraan para gumaling sila.

Ayon kay Binay, kalimitan sila ay mag-asawa, kasambahay o driver ang nahawaan dahil sa kanilang madalas na pagiging magka­ka­sama.

Ani Binay, kapag may nagpositibo, agad silang nagsasagawa ng contact tracing gayondin ng fumigation sa tahanan ng pasyente.

Paglilinaw ni Binay, hindi mamamayan ng Makati ang pumanaw na COVID-19 patient sa Makati Medical Center.

Sa ngayon, sinabi ni Binay, may isang mabu­ting tao ang nagkaloob ng 5,000 pieces 3m mask para sa frontliners ng lungsod at pambili ng 5000 test kits.

(NIÑO ACLAN)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …