Saturday , November 16 2024

Para makaiwas sa COVID-19… Bulakeños nagpalipas ng ‘lockdown’ sa bundok

NAGDESISYON ang mara­ming Bulakenyong magpunta sa mga kabun­dukan na malayo sa Metro Manila matapos ideklara ang ‘lockdown’ sa kabi­serang rehiyon.

Karamihan sa kanila ay umakyat sa bulubunduking bayan ng Doña Remedios Trinidad sa lalawigan ng Bulacan, na may simple at maaliwalas na kapaligiran, upang doon magpalipas ng araw habang may lockdown upang makaiwas corona­virus o COVID-19 na patuloy na kumakalat sa bansa.

Sa ngayon, marami ang pansamantalang nagsasara ng negosyo upang iwsan ang COVID-19 at manatili sa kanilang mga bahay o sa kabundukan na malayo sa lungsod.

Tanging makikitang bukas ay mga pharmacy at supermarket na nagbebenta ng face masks, alcohol at iba pang gamot kontra COVID-19.

Ipinagbabawal na rin sa publiko ang pagpasok sa mga simbahan para duma­lo sa misa para maiwasan ang pagtitipon-tipon ng mga tao.

Dahil sa haba ng pila sa mga pamilihan at super­markets ay napipilitan silang bumili ng kanilang mga pangangailangan sa pamamagitan ng online shopping.

(MICKA BAUTISTA)

 

 

About Micka Bautista

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *