Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead prison

Drug busts sa Bulacan… 2 tulak patay, 25 arestado

BANGKAY na tumambad ang dalawang hinihinalang drug peddlers matapos manlaban sa mga inilatag na serye ng drug operations ng Bulacan police hanggang kahapon ng umaga, 5 Marso.

Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, acting provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, kinilala ang unang namatay sa drug sting sa lungsod ng Meycauayan na si Jay-Arthur Mateo alyas Kalbo, kabilang sa drug watchlist ng Meycauayan City Police Station (CPS), na nagpaputok sa undercover agent nang matunugan ang presensiya ng police officers sa ikinasang buybust operation sa Industrial St., Bgy. Iba, sa naturang lungsod, 1:00 am kahapon.

Nakompiska mula kay alyas Kalbo ang 14 plastic sachets ng shabu, isang kalibre .38 revolver, mga basyo at bala, gayondin ang buy bust money.

Sumunod na napaslang sa inilatag na drug sting ng mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) ang suspek na kinilalang si Alexie Bautista, alyas Labo, na unang nagpaputok sa mga opera­tiba nang maram­daman na ang katransaksiyon niya sa droga ay police poseur buyer sa Bgy. Pinacpinacan, sa bayan ng San Rafael, 3:20 am kahapon.

Nakompiska kay alyas Labo ang isang transparent plastic sachet ng  shabu; isang .38 caliber revolver, mga bala, buy bust money, at isang skeletal single motorcycle na Yamaha MIO.

Gayondin, 25 drug suspects ang naaresto sa mga serye ng anti-illegal drugs operations na isinagawa ng pulisya mula sa mga bayan ng Bulakan, Pulilan, Norzagaray, at Obando; at mga lungsod ng Malolos, San Jose del Monte, at Meycauayan City.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …