Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ilegalista sa NAIA terminal 1 naglipana

HANGGANG gayon pala ay namamayani ang grupo ng mga ilegalista sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.

Kaya nagtataka tayo kung bakit sinasabing mahigpit ang seguridad sa NAIA pero nakalulusot ang mga ilegalista?!

Totoo kayang itong grupo nina Yurhi, Lakap, Ed Tulo, Gulay bros, Milher, Pinky, May, Mimi, Judith, at Marisel ay protektado ng isang Kapitan?

Ang grupong ‘yan umano, ayon sa ating mapagkakatiwalaang sources or informants ay naghahari sa NAIA terminal 1.

Sila ‘yung mga ‘kolorum’ na nagso-solicit ng pasahero roon mismo sa arrival area. At huwag din kayong magtaka kung bakit nakadederetso sila sa itaas.

Kahit itanong pa ninyo kay Kap!

Isa sa mga madalas madale ng grupong ito, kung paano mag-solicit ng pasahero ay overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Middle East.

Kung kailangan ng connecting flight pauwi sa kanilang probinsiya, sila mismo ang bibili ng tiket — pero hindi sa tamang presyo — kundi sa nananagang presyo.

Ang nakahihiya rito, isang representative ng World Health organization (WHO) ang nabiktima ng mga nasabing ilegalista.

Mantakin ba naman ninyong mula terminal 1 hanggang terminal 2 ay siningil ng P2,500?!

Wattafak!

Sapak talaga ang kasuwapangan sa kuwarta ng mga nasabing ilegalista.

Hindi kaya nakokonsensiya o nakakarma ang mga ilegalistang ‘yan lalo’t OFWs ang kanilang nabibiktima?!

Kaya huwag na kayong magtaka kung bakit 24/7 ang pagbabantay nila sa mga Middle East flights.

Maging ang mga security guard ay nagagamit umano ng grupo ng mga ilegalistang ito sa kanilang pagso-solicit ng pasahero.

Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal Sir, huwag ‘yang privatization ng NAIA ang panggigilan ninyo.

Unahin ninyo ang mga ilegalistang nambibiktima ng mga OFW, foreigner, at iba pang ‘inosente’ sa kalakaran sa NAIA.

Puwede ba GM Ed Monreal?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …