Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
jaclyn jose

Jaclyn, buong ningning na ipinagmalaki — Ni isang sentimo‘di ako nanghingi sa mga anak ko

KUSANG nag-post si Jaclyn Jose sa kanyang Instagram ng mga comment ukol sa saloobin n’ya sa mga anak na nagpapaka-independent na, o nagtatrabaho na. May idea siya na may kinalaman sa perang support ni Sarah sa pamilya ang pinopro­blema ni Mommy Divine.

Binigyang-diin ng single parent na ina ni Andi na ang responsibilidad ng mga magulang na suportahan ang mga anak nila. Hindi ang mga anak ang kailangang sumuporta sa mga magulang at kapatid.

Lahad ni Jaclyn: “It is our responsibility [as] parents. I am a single mom of 2, i worked so hard to make them feel that everything was OK, napuputulan ng ilaw o di makabayad [ng]  rental but that doesn’t mean na ipapasa ko problema ko sa mga anak ko.”

Ipinagmalaki n’yang ni isang sentimo ay ‘di siya nanghingi sa mga anak n’ya.

Aniya: “I haven’t gotten a single centavo sa mga anak ko. Kakayanin ko lahat para sa mga anak ko .i did all my best to raise them happy lang..no controlling para pag time naman nila, gawin nila naman para sa mga anak nila.”

Pasubali n’ya sa pagtatapos ng comment n’ya: “Di ako nakikisawsaw sa issue, just giving my point: let them. At the end, they will be more respon­sible..us parents must understand our children. Let them leave. Madadapa yan pero babangon kung hahayaan natin sila.”

May panahon kaya si Mommy Divine na magbasa at makinig sa mga reaksiyon ng madla sa panunurot n’ya kina Sarah, Mateo, at pamilya ng mister ng anak n’ya?

Sana, mayroon. Sana all parents! (DANNY VIBAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …