Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Umiinom sa kalsada… Mag-utol pumalag, pulis ‘tinakot’ na isusumbong kay Tulfo, arestado

HINDI nagpatinag ang isang kagawad ng puli­sya sa pananakot na isu­sumbong siya sa Tulfo brothers sa ginawang pagdakip sa magkapatid kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolan­do Balasabas patungo sa Navotas Police Com­munity Precinct (PCP) 4 si P/SSgt. Mar Arrobang dakong 9:30 pm upang magsimula sa kanyang tungkulin bilang shift supervisor.

Nadaanan ni P/SSgt. Arrobang sa kahabaan ng Bacoco St., Brgy. NBBS-Kaunlaran si Rolan Bulyag, 37 anyos, walang hanapbuhay, residente sa Blk 38 Lot 3 Bacoco St., na umiinom ng alak sa kalye.

Dahil labag sa umiiral na ordinansa, sinita ng pulis si Bulyag, pero nagalit ang suspek at nan­laban hanggang human­tong sa kanilang pam­bubuno.

Nakita ng nakaba­batang kapatid ni Bulyag na si John, 23 anyos, ang insidente pero imbes awatin ang kapatid sa panlalaban sa pulis, inakusahan niya ng harassment o panggigipit si P/SSgt. Arrobang at binantaang isusumbong kay Tulfo.

Imbes masindak, kapwa inaresto ni P/SSgt. Arrobang ang magka­patid na nahaharap ngayon sa mga kasong direct assault, unjust vexation at resistance and disobedience to person of agents in authority sa Navotas City Pro­secutor’s Office. (R. SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …