Saturday , November 16 2024

Sa utos na manhunt ni Yorme… Suspek sa pagbaril at holdap sa mami vendor kalaboso

NATIMBOG ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang holdaper na namaril at malubhang nakasugat sa isang mami vendor, kamakalawa ng gabi sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Pahayag ng suspek na si Alexander Ogdamina, residente sa Blk.1 Gasa­ngan, Baseco Compound, Port Area, ‘ipapayo niya sa mga biktima ng holdap na ibigay na lang ang mga gamit kaysa mabaril ng holdaper.

Nadakip ang suspek, makaraan ang 24-oras na ipinag-utos ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, dakong 7:20 sa Block 1 sa Gasangan, Baseco Compound nitong nakaraang Miyerkoles ng gabi.

Pinuri ni Mayor Isko ang mga pulis at binisita sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Samson Bautista, 41 anyos, vendor, residente sa 841 Batang Bayani St., Baseco Compound, Port Area, na nasa maayos nang kala­gayan.

Sa pagkakadakip sa suspek, humagulgol ang kaanak ng biktima habang nakayakap na nagpasalamat kay Isko dahil sa mabilis na aksiyon na nagresulta sa paghahatid ng hustisya para sa biktima.

Magugunita, ang insidente ay naganap dakong 1:20 am, nitong 18 Pebrero na nakitang inaabangan ng suspek ang  biktima na papauwi mula sa pagtitinda ng pares/ mami gamit ang food cart.

Nang makita ang vendor, bumunot ng baril ang suspek at nilapitan si Bautista saka kinuha ang sling bag nito pero tumangging ibigay.

Dahil dito, pina­putukan ng baril sa leeg ang biktima at saka hinablot ang sling bag at saka tumakas.

Nang makarinig ng putok ng baril ang kaibigan ni Bautista na kasama sa pagtitinda, bigla siyang tumakbo papalayo dahil baka umano siya pagbalingan.

Sasampahan ng kasong robbery, frustrated murder at illegal possesion of firearms ang kahaharapin ni Ogdamina matapos makuha sa kanya  ang .357 magnum na ginamit sa pagbaril sa biktina

Ang insidente ay nag-viral sa social media dahil sa ginawa ng suspek sa vendor na nakuha sa CCTV ng barangay sa lugar, habang humingi ng tulong kay Moreno ang mga kaanak ng biktima.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *