Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead

Chinese at Romanian national… Bangkay ng 2 ‘alien’ iimbestigahan sa nCoV

DALAWANG dayuhan ang namatay sa karaga­tan ng Filipinas ang isinasailalim ngayon sa imbestogasyn kaugnay ng 2019 novel coronavirus (nCoV).

Ang isang bangkay ay natagpuang walang buhay at palutang-lutang sa tubig, isang Chinese national na may sukbit pang backpack sa tapat ng MJ Cafe sa Manila Bay sidewalk, Malate, May­nila kahapon ng umaga.

Base sa ulat ng Manila Police District (MDP) Homicide Section, nama­taan ang bangkay ng isang lalaki dakong 8:20 am kahapon sa nasabing lugar.

Kinilala ang bangkay ng lalaki sa pama­magitan ng kan­yang pasaporte na si Suet Ming Ellis Chan, 55 anyos, tubong Hong Kong, Republic of China.

Agad kinuha ang bangkay at dinala sa Cruz Funeral ngunit nagpa­hayag ng pangamba ang mga empleyado ng punerarya na baka may novel corona virus ang natagpuang bangkay ng Chinese national.

Samantala, naunang nirespondehan ng MPD Homicide Section sa tawag ng PNP Maritime Group sa pagkamatay ng isa pang dayuhan na kinilalang si Florin Dan Klein, 59 anyos, Roma­nian national, kapitan ng  M/V Tabea cargo ship­ping vessel.

Sa ulat ng MPD, dakong 2:05 am, nang makatanggap ng tawag ang MPD mula sa PNP Maritime Group hinggil sa pagkamatay ng kapitan ng barko habang naka­daong sa Pier 13 sa South Harbor.

Nang dumating ang mga imbestigador ng MPD ay nakitang naka­silid na sa bodybag ang bangkay kaya’t dinala sa Cruz Funeral.

Kasalukuyang iniim­bestigahan ng MPD ang pagkamatay ng dalawang dayuhan at makikipag-ugnayan sa mga nag­sasagwa ng pagsusuri sa nCoV para sa malalimang pagsusuri sa bangkay ng dalawa.

(BRIAN BILASANO)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …